AKO AY NAGING MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO


Si Igmidio Zabala ay isa sa mga pinakaunang ministro na personal na hinirang ni Felix Manalo, tagapagtatag ng Iglesia ni Cristo (INC). Siya ay may mataas na ranggo na ministeryal na tungkulin, partikular na aktibo sa rehiyon ng Luzon, noong mga taon ng pagbuo ng INC.



NIHIL OBSTAT:


A. G. CASAS, Censor


IMPRIMATUR


JOSE N. JOVELLANOS V.G.


Agosto 15, 1959




NILALAMAN


Paunang salita

Talambuhay ni Zabala; narahuyo sa "Iglesya", ang pagbabalik loob

Buhay sa piling ni Manalo

Sino si Manalo?

Mga Aral ng "Iglesya"; sagot sa mga tuligsa

Pabagu-bagong Aral

Paraan ng pang-aakit at pagpapanatili

Ang abuluyan sa "Iglesya"

Panawagan sa mga nasa "Iglesya"

Panawagan sa mga Katoliko

Paggunita sa mga Protestante (Kaisahan ng mga Kristiyano)



PAUNANG SALITA


Ang munting aklat na ito ay bunga ng may limang ulit na pakikipanayam kay G. Igmidio Zabala, isa sa mga nagtatag at dating ministro ng "Iglesya ni Cristo" sa ilalim ni G. Felix Manalo. Mababasá rito ang salaysay ng naging buhay, ang narinig at naranasan ni G. Zabala sa loob ng "Iglesya". Ang ibang mahahalagang bagay ay hinango ko rin sa kanyang talambuhay na isinulat-kamay niya at isinaayos ko lamang.


Ito ay isang tapat na paghahayag, ayon sa abót ng alaala ni G. Zabala, at walang layuning manirang puri o pumintas. Walang tang-ing hangad ang pagkakalimbag nito kundi magbigay ng pagkakataon sa mga Katoliko at di-Katoliko na makapagsuri tungkol sa mga aral at gawain ng "Iglesya ni Cristo." Ipinauubaya, kung gayon, sa mamba-basa ang pagsuri at paghatol. Hinihiling lamang sa mambabasa na maging maginoo, maging malaya at maging matalino sa kanyang pagsusuri, at huwag agad hahatol hangga't hindi napagtitim-báng-timbang ang mga katuwirang napapaloob dito.


Ito ang tuntuning nararapat sanang pamalagiin sa isip at puso ng mga Kristiyano: bagaman sila'y nagkakasulungan sa paniniwala. hindi makabubuting sila'y magkalaban-laban sa pakikitungo at paki-kisama sa isa't isa. Ang kamalian ay kailangang kapootan, datapuwa't ang nagkamali'y nararapat na mahalin pa rin.


Na may isang kinapal na magkaroon ng kahit hibla man lamang ng liwanag sa pagbasa ng munting aklat na ito, ay sapat nang gantimpala sa kaunting pagpapagod na ginugol upang ito'y maipalimbag at makarating sa kamay ng sino mang mananampalata-ya.


-F. C. BORLONGAN


PAGHAHANDOG


Itong bubot pang bunga ng pagpupunyaging makadiwa ay inihahandog sa alaala ng yumaó kong ama na naging salamisim at gabay ko sa buhay.


▬ PAHINA 1 ▬


AKO'Y NAGING MINISTRO NG 'IGLESYA NI CRISTO'

(Sa pagsasalaysay ni Egmidio Zabala)


"Walang bagay na natatago na hindi mahahayag. at walang nalilihim na hindi malalaman."

(San Lucas, 12:2)


Sa loob ng may 21 taon, ako'y naging kasapi, labing-limang taon nito'y sa pagiging ministro, sa "Iglesya ni Cristo" sa ilalim ni G. Felix Manalo.


Dahil sa mahabang panahong ginugol at matinding pagod na pinuhunan ko sa pagpapalaganap ng iglesyang ito, ako'y ibinilang ng "Encyclopedia of the Philippines" sa mga nagtatag nito.


Ayon sa nabanggit na aklat ni Zoilo Galang (Volume X, 1936 edition), pahina 432-433, ang "Iglesya ni Cristo" ay itinatag ni G. Felix Manalo sa Punta, Sta. Ana, Maynila noong 1914. Idinagdag ng palathala ni G. Manalo sa aklat, na "ang Dios ay humirang din ng iba pang lalaki na makakatulong niya (ni G. Manalo) sa pagpapalaganap ng lahat ng nais Niyang ipatupad. Ang mga hinirang ay sina Justino Casanova, Teodoro Santiago, Santiago Lopez, Maximo Valenzuela, Bernardo Turla, Benito Sumbillo, Raymundo Mansilungan, Felix Pineda, Feliciano Gonzales, IGMIDIO ZABALA, Julio de la Rosa, Mariano Castro, Andres Tucker, Francisco Abalos, Rufino Dula, Simeon Tabamo, Norberto Cruz at Eugenio Cortez."


Dito pa lamang ay nais ko nang ipagtapat na hindi ang Dios ang humirang sa aming labingwalong ministrong nakatulong ni G. Manalo. Sa katunayan, anomang oras ay naiaalis ni G. Manalo ang sino man sa amin. Siya ang nagturo sa amin kung ano ang ituturo namin


▬ PAHINA 2 ▬


sa mga kaanib ayon sa sariling pakahulugan niya sa mga talataing Biblia; siya ang nagbibigay ng suweldo sa amin. Kung hindi namin sasabihin si G. Manalo at kaming mga ministro ay "hinirang ng Diyos," ang mga di-nag-aaral at di-palaisip ay hindi namin mahihikayat, at kaming lahat ay hindi tatanggap ng pabuya.


Ang "Iglesya ni Cristo" ay masasabi kong kathang-isip ni G. Felix Manalo, at lumaganap lamang at tumatag nang kami'y maging labingwalo nang ministro. Ang aming samahan o kilusan ay pabagu-bago ng tauhan, pabagu-bago ng aral, pabagu-bago ng patakaran. Hindi naman kataka-taka sapagka't ang ano mang itinatag ng tao ay susunod din sa pabagu-bagong kalooban ng tao. Ang ilan sa aming mga unang ministro ay humiwalay at nagtayo naman ng ibang sekta. Ang paghiwalay nila'y sanhi sa mga katiwaliang naganap sa loob "Iglesya" at dahil din naman sa inaakala nilang makaharing pamamalakad ni G. Manalo. Sa mga humiwalay sa piling ni G. Manalo, sa sandaling ito ay ilan pa lamang kami na nagbalik-loob ng "pananampalataya ng ating mga ninuno." Inaasahan ko ring magbabalik silang lahat sa sinapupunan ng Iglesya Katolika, na siya namang kinagisnan naming lahat, na siyang relihiyon ng ating mga magulang. Nananalig ako sa kasabihang "pagkahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang pasok."


MAIKLING TALAMBUHAY


Ako'y kumita ng unang liwanag sa Mabalacat, Pampanga noong ika-5 ng Agosto, 1905. Ang aking mga magulang ay sina Esteban Zabala at Guilermina Luat. Maliit pa ako nang kaming magkakapatid ay dalhin ng aking ina sa Caloocan, Rizal sapagka't yumao na noon ang aking ama. Ang bahay namin ay sa 25 Daang P. Gomez. Ako'y lumaki sa pook na ito at nag-aral sa paaralang ngayo'y Cecilio Apostol Elementary School.


Ako'y binyagang Katoliko, ang lahi namin, tulad ni G. Felix Manalo at ng unang mga ministro, ay pawang


▬ PAHINA 3 ▬


Katoliko. Subalit kagaya ng maraming Katoliko sa ngalan, nagwalang bahala ako sa mga aral at gawain ng aking relihiyon. Sa katunayan, palibhasa'y hindi ko nga natatalos ang aking mga tungkulin, ako pa ang naunang pumintas sa Iglesya Katolika. Ang totoo, ang pamimintas at pagtuligsa kong ito, katulad din ng iba pa, ay bunga lamang ng hindi ko pagtupad ng aking mga tungkulin at ng kamangmangan ko sa tunay na aral ng aking relihiyon. Ako'y hindi nagsisimba kung Linggo, gayong Katoliko akong naturingan. Malayo sa akin ang sakramento: hindi ako nagkukumpisal o nakikinabang. Hindi naman ako nagtatanong sa pari o sa sino mang nag-aral tungkol sa relihiyon. Ano pa't katulad ng maraming nalilihis na landas, kung kailan pa ako pabaya sa tungkulin at kung kailan pa ako walang muwang sa relihiyon, doon pa ako pangahas sa pagpuna, pagpintas, at pagbatikos. Higit na madaling pumuna kaysa gumawa ng mabuti. Sa ganitong kalagayan ng buhay pangkaluluwa, ako'y madaling narahuyo sa munting kawan ng "Iglesya ni Cristo". Walang iniwan sa isang sisiw na gutom at mahina, ako'y madaling nahuli.


Isang gabi noon, taong 1918. Ako'y nakikipaglaro sa kapuwa binatilyo. Sa pagtataguan namin, ako'y napadako sa isang pook na 'doo'y narinig ko ang sigaw ng isang lalaki. Lumapit ako sa pinanggagalingan ng tinig, at natambad sa aking paningin ang isang lalaking kukumpas-kumpas at nagmumura sa harap ng ilang katao. Nagtanong-tanong ako. Napag-alaman ko na ang pagtitipong yaon ay isang papulong ng "Iglesya ni Cristo."


Bago sa pandinig ko ang ngalang ito ng isang relihiyon. Ako'y hindi agad umalis. Natawag ang aking pansin ng matabil na dila ng nagtatalumpati at ng kabilisan niyang magbuklat ng Biblia. Humigit kumulang sa limampung katao ang nakikinig. Napansin ko rin na ang predikador ay walang tigil sa kapipintas at katutuligsa sa mga pari, sa mga aral at gawain ng Iglesya Katolika at sa mga Protestante na rin.


▬ PAHINA 4 ▬


Kung alam ko ang aking pananampalataya't tumutupad ako sa aking mga tungkulin, noon pa lamang ay mawiwika ko ang ganito: "Ano bang uri ng relihiyon ito? Tila isang pulong pampulitika nang-aakit sa pamamagitan ng pagtuligsa't pamimintas sa iba!" Ngayon lamang ako nakarinig ng isang relihiyon (daw) ng Diyos na nabubuhay sa kasiraan ng iba. Noon pa lamang ay natiyak ko na sanang hindi sa Diyos nagmula ang kilusang ito. Datapuwa't, gaya ng nasabi ko na sa dakong unahan, ako'y mangmang sa aral Katoliko, at hindi pa tumutupad sa mga tungkulin. Kaya, ang lahat ng isinisigaw ng predikador ay tinanggap ng aking isip.


Ang tinig ng nangangaral ay paos, ang mukha niya'y malungkot, at paminsan-minsan siya'y umiiyak. Pagkatapos ng paliwanag, ang predikador ay nangulo sa pag-awit. Ang pulong ay winakasan sa pamamagitan ng isang panalangin sa pahagulgol namang tinig. Natatandaan ko, ang mga nagsalita sa pagpulong ay sina Teodoro Santiago, Federico Inocencio, at Maximo Valenzuela.


Napag-alaman ko pagkatapos ng pulong, na ang marami pala sa mga nakinig ay hindi taga-roon sa amin, kundi mga pala, mga taong hinakot mula sa ibang lugar. Ang mga dalagang kasama, sa palagay ko, ay pain lamang sa aming mga binata't binatilyo upang sa kinabukasan ay muli kaming makinig.


Pagkaraan ng ilang araw, may tumawag sa aming tahanan. Ang lalaki'y nagngangalang Maximo Valenzuela at may dala-dalang aklat. Ang aking ina ang una niyang kinausap. Siya raw ay walang tanging hangad kundi maghatid ng katotohanan. Matamis mangusap ang lalaki, daig pa ang ahente ng sabon. Narinig kong nasa "Iglesya ni Cristo" raw lamang ang kaligtasan. Nang malaunan, ang mga pagtuligsa't pamimintas na narinig ko sa papulong ay siya ring inuulit-ulit sa pagpapaliwanag. Upang lalong madiin sa paniniwala ang aking ina, ang ministro'y nagmungkahi na sa tahanan na namin gawin ang isang pangangaral. Naibigan ng lahat sa aming


▬ PAHINA 5 ▬


bahay ang mungkahi. Isa nga namang karangalan para sa amin. Nito na lamang matuto ako sa Iglesya Katolika at saka ko lamang nabatid na sa ikapahamak pala namin ang pagpupulong sa aming tahanan.


Ilang araw pa ang lumipas. Kaming lahat sa bahay ay dinikdik na sa aral. Pinuno na ang aming isip at puso, kaya't walang ibang paliwanag na tumalab sa amin. Sa wakas, kaming lahat ay itinalang MGA KAPATID pagkatapos na ang aking ina at ako'y ilubog sa may Velasquez, Tondo, Maynila ni G. Teofilo Ora (ito'y tumiwalag at nagtayo ng bagong "Iglesya ni Cristo.") Ang aking dalawang kapatid ay inilubog naman sa isang sapa sa Mandaluyong, Rizal.


Napakabuti ng pakikisama sa amin ng ministro, kaya't nagkaroon ako ng malaking interes sa kanyang gawain. Kahit saang pagpulong ay dumadalo ako hanggang sa umusbong sa akin ang hilig sa pag-aaral ng Biblia. Ako'y kumopya muna ng balangkas ng mga sermon nina Ministro Casanova, Ora, Santiago, at Valenzuela, atbp. Napansin nilang ako'y nagpupunyagi sa pag-aaral, kaya't hinirang akong kalihim at ingat-yaman sa aming pook. Nagsimula na rin akong mag-aral sa may Gabriela, Tondo sa ilalim nina G. Felix Manalo at Teodoro Santiago. Sa pag-aaral kong ito, ako'y may natutuhang labing-apat na sermon na pawang pagtuligsa sa Iglesya Katolika. Noong 1920, ako'y isinama nang mangaral sa madla at mamahala ng mga pananalapi sa bahay-bahay at mga kapilya, hanggang sa hirangin akong ministro.


Ang dinatnan kong pinakabahay-pamahalaan ng "Iglesya" ay ang tanggapan sa Gagalangin, Maynila. Ang pinakamalaking kapilya naman noon ay ang nasa Gabriela, Tondo. Nakita ko na ring lumalaganap na sa ibang lalawigan ang aming kilusan. Si G. Felix Manalo ay madalas mapadalaw sa amin. Mayroon na siyang kotseng sinasakyan noon na pagkaraan ng ilang panahon ay pinalitan ng isang magan dang uri, "Maxwell."


▬ PAHINA 6 ▬


Ang unang pangangaral kong pangmadla ay ginawa ko sa Tenejeros, Malabon, Rizal. Pagkatapos nito, kung saan-saan lugar ako isinugo upang mangaral, hanggang sa hirangin akong "Division Minister sa Pampanga, Tarlac, Zambales, Nueva Ecija, Bataan, at Pangasinan. Narating ko rin ang mga liblib ng Rizal at Bulacan. Sa tungkuling ito, ako ay may sahod na pitumpung piso isang buwan, kasama pa ang pabahay at panggastos. Natatandaan kong ang pamunuan sa "Iglesia" ay ganito: G. Felix Manalo, pinakamatataas na tagapamahala; ang kaniyang anak, maaaring maging kahalili't tagapamahala, kalihim panlahat; mga "Division Minister", mga ministro ng iba't ibang local, mga tagapagturo, mga diacono, mga ingat-yaman; mga manggagawa, at mga kasapi ng KOMITE.


Naaalala ko rin na ako'y ipinadala sa Bacoor, Cavite at dito'y nagpakita ako ng gilas sa pang-aakit at pagpa-pasok ng salapi. Kahit saang lugar ako magtungo, inuuna ko muna ang mga baryo, sapagka't ayon sa turo ng unang mga ministro, ang mga tao rito'y madaling tipunin. Palibhasa'y malayo sila sa kabayanan, pagod ang katawan at madalang pumunta sa simbahan, ang mga taga-baryo'y madaling mapapaniwala, ayon sa kanila.


Lubhang marami ang naaakit ko at limpak-limpak na salapi ang naipasok ko sa "Iglesia ni Cristo" kaya't lalong naging kapalagayang loob ko si G. Manalo. Maraming mga aral ang binalangkas namin. Datapuwa't marami rin naman ang binago hanggang sa magkaroon ako ng mga alinlangan. Nakasaksi rin ako ng mga pangyayaring paniwalaan dili sa buhay ni G. Manalo at ng ilang ministro.


Ang mga alinlangan ko'y tumutukoy sa pagiging "Anghel" ni Manalo, sa mga aral na pinagbagu-bago at sa mga gawaing kahiya-hiya sa harap ng Diyos at ng tao. Kami ni G. Manalo ay nagkaroon pa ng samaan ng loob at noong 1941 ako'y lumayas sa piling niya.


▬ PAHINA 7 ▬


Simula noon, nag-apuhap na ako ng liwanag. Hindi mapanatag ang aking loob. "Kung si G. Manalo ay hindi angel at kung kinakasangkapan nga lamang niya ang "Iglesya", alin kaya ang tunay na "Iglesya?" naitanong ko sa aking sarili. Natiyak ko nang hindi "Anghel" si G. Manalo dahil sa nasaksihan kong kapuna-punang buhay niya. Sumama ako sa sekta ni Teofilo Ora, "Iglesya ng Dios kay Cristo Jesus." Hindi rin ako nasiyahan. Nag- palipat-lipat ako sa iba't ibang "iglesya" sa "Iglesyang Naghihintay kay Cristo" ni Teodoro Reyes. "Iglesya ng Bagong Jerusalem" ni Pedro Angeles, "Iglesya Espiritista", "Iglesya de los Cristianos Libres", "Iglesya Nacional Filipina"; at "Iglesya ng Panginoong Jesus".


Isang gabing matahimik, tinangnan ko ang aking sipi ng Biblia. Natunghayan ko sa unang buklat ang kabanatang 15 at talatang 1-5 ng Ebanghelyo ayon kay San Juan: "Ako ang tunay na baging. Manatili kayo sa Akin, at Ako ay sa inyo. Kung paanong ang sanga ay hindi maaaring magbunga sa kanyang sarili hangga't hindi nananatili sa baging, hindi rin kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa Akin. Ako ang baging, kayo ang mga sanga."


Isang liwanag na langit lamang ang makapagdudulot ng suminay sa isip ko at naitanong ko sa aking sarili: "Ang mga iglesya kayang kahapon lamang lumitaw at pinasimulan lamang ng tao ay kaugnay parin kay Cristo?" Si Jesuscristo, tulad ng nalalaman ko, ay nagtatag ng isang iglesya. Hindi maaaring kapareho ng Kaniyang relihiyon ang relihiyong itinatag lamang ng tao. Kailangan kung gayon, na suriin ko ang mga iglesya at hanapin ko kung alin sa kanila ang kaugnay ni Cristo. Tiyak nang hindi yaong kay G. Manalong iglesya ang kaugnay ni Cristo, sapagkat kilala ko si G. Manalo at ako'y isa sa mga nagpa-tatag nito, hindi rin yaong mga napasukan kong pawang tatag din ng tao.


Gayon ang pangangatuwiran ko nang gabing yaon. Noong 1953 nakatagpo ko si G. Amadeo Hilario ng Malabon, Rizal.


▬ PAHINA 8 ▬


Pinaliwanagan niya ako tungkol sa relihiyong aking kinagisnan. Nagkaroon din ako ng pagkakataong makipag-usap kina Padre Francisco Avendaño, Ceferino Leonen at Laureano Caoili. Sa tulong ng kanilang paliwanag at panalangin, natutuhan kong unti-unti ang tunay na mga aral at gawain ng Iglesya Katolika. Napaghulo ko rin na ang mga iniaral ko pala sa loob ng "Iglesya ni Cristo" ay pawang pagbibintang at pagbatikos lamang sa Iglesya Katolika. Ako ay nagtrabaho sa Tarlac na doon bininyagan ang lahat ng aking mga anak, at napakasal kami ng maybahay ko sa harap ni Padre Santiago Guanlao ng Tarlac.


Ngayon ay nabubuhay na ako nang tahimik. Hinahangad ko naman na makapagpaliwanag sa iba kong mga kababayang naliligaw ng landas. Tuwing may pagkakataon, ako'y di nag-aatubiling maghayag ng aking buhay sa piling ni G. Manalo at magbunyag ng mga kamaliang nananaig pa sa kahabag-habag at walang malay na mga kaanib sa "Iglesya ni Cristo".


SA PILING NI G. MANALO


Ang malakas makatawag ng pansin sa "Iglesya ni Cristo" ni G. Felix Manalo ay ang mga nagtatayugang kapilya sa iba't ibang dako. Naiiba sa lahat ang tanggapan at palasyo ni G. Felix Manalo sa San Juan, Rizal. Noon pa mang 1936 ang pagpapatayo ng isang palasyo ay binalak na niya, at isinangguni sa aming mga kapalagayang-loob niya. Sa Quiapo unang binalak itayo ang palasyo. Ang dahilan: para lalong makatawag pansin. Napagkasunduan namin na ang lahat ng malili-kom sa pagsamba ay iuukol sa guguling ito. Bukod pa sa rito, nagka-roon kami ng mga tanging abuluyan, at upang makaakit, ipinangako namin na ang mga ngalan ng magbibigay ay isusulat sa panulukang bato. Kung ang pangakong ito'y natupad, ay hindi ko masabi sapag-ka't nang itayo ang palasyo ay tapos na ang digmaang pandaigdig at ako naman ay wala na sa bakuran ni G. Manalo.


▬ PAHINA 9 ▬


Ang palasyo ay itinayo sa isang paltok na lugar sa Riverside, San Juan, Rizal. Ito ang bahay-pamahalaan. Marami pang ibang malalaking kapilya ang isinunod na itayo. Ang ilan sa amin ay mapang-usisa. Ako na lamang ay nakapagtanong din kung sino talaga ang may-ari at kung sino naman ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng "Iglesya." Minsan tuloy ay nakapagsabi si G. Manalo: "Lahat ng pag-aaring iyan ay hindi akin. lyan ay sa inyo." Subalit napag-alaman ko, ang mga ari-arian ng "Iglesya" ay nakatala sa pamahalaan sa ngalan ng "Corporacion Unipersonal." Kung mamatay si G. Felix Manalo, kung gayon, ay mga anak niya ang magmamana ng lahat ng kayamanan. Sa palagay ko, ipaliwanag man ang katotohanang ito sa mga kaanib sa sekta, ay hindi paniniwalaan sa dahilang ang isip nila ay pinuno na ng aral na si G. Manalo nga ay "anghel" ng Diyos. Kaming mga ministro ay hindi rin magsasabi ng katotohanang ito, sapagka't baka kami itiwalag ni G. Manalo at mawalan tuloy kami ng hanapbuhay.


Sa kabila ng aming pagkatakot kay G. Manalo, kaming mga ministro ay nangangahahayag din ng aming niloloob laban sa inaakala naming makaharing pamamalakad niya. Ang madalas naming pagtagpuan ay ang Panciteria Wanam. Dito'y pinag-uusapan namin ang katiwaliang napapansin namin sa loob ng "Iglesya" at ang mga pangyayaring may kinalaman sa pansariling buhay ni G. Manalo. Yaong mga malapit sa puso niya, ay di-kataka-takang magtakip sa mga bintang na kumakalat tungkol sa anila'y mahalay na pakikitungo ni Manalo sa ilang babai sa "Iglesya".


Hindi ko nalilimutan nang minsang ipatawag ako ni G. Manalo mula sa Tarlac. Sinapantaha ko agad na ang dahilan ay ang naririnig ko ring kilusan ng ilang Ministro laban kay G. Manalo. Kasama kong lumuwas si Ministro Kulala ng Pampanga. Nagtungo kami sa 42 Broadway, Quezon City na noo'y siyang pinakatangggapan ng aming "Iglesya."


▬ PAHINA 10 ▬


Nagkatotoo ang aking sapantaha. Pagkakita sa akin ni G. Manalo, ako'y niyakap agad at siya'y nabulalas ng pag-iyak. Si Ministro Pineda raw ay nangungulo sa isang kilusan laban sa kanya at ibinibintang niyon ang pakikitungo niya (ni G. Manalo) sa isang babaing "kapatid sa Iglesya." Ako'y pinagpayuhan ni G. Manalo na huwag matigatig sa mga naririnig ko.


Kami ni G. Kualala ay ipinaghanda ng pagkain, kasalo pa namin ang mga anak ni G. Manalo. Isa sa mga nagsisilbi sa mesa ay si Pilar Danangan na tinanong ni G. Manalo kung totoo nga ang bintang ni Ministro Pineda. Ang pag-uusap ay lumawig at uminit hanggang sa pinauwi ang lahat at kami na lamang dalawa ang naiwan. Humigi't kumulang ganito ang wika sa akin ni G. Manalo: Midio, huwag mong pansinin ang mga pangyayari dito sa oficina. Ikaw na ang bahala. Pagtibayin mo ang ating mga kapatid at magpatuloy ka sa pagpapalaki ng abuluyan. Kaya, umuwi ka na sa Tarlac."


Hindi kaila sa lahat na madalas makarating sa hukuman ang pagkatao ni G. Manalo. Naroon siya'y pagbintangang mahalay, naroroong awayin siya sa kanyang pagtataguyod ng "Iglesya." Marami sa aming mga kasapi ang hindi makapaniwala. Datapuwa't para sa akin, dito'y walang kataka-taka. Higit sa nalathala sa pahayagan o nakarat-ing sa hukuman ay narinig ko tungkol sa buhay ni G. Manalo


Nang ako'y ministro, itinuturo ko sa mga kasapi at isinisira ko naman sa mga Katoliko, na ang hindi pag-aasawa ng mga pari ay aral ng demonyo. Sa pagkakaalam ko hanggang sa ngayon ay tinutuligsa pa rin ni G. Manalo at ng kaniyang mga galamay ang mga bagay na ito. Subalit narinig kong si Ministro Dominador Datu ay pinahihiwalay sa kanyang asawang si Gertrudes Velo, at ang aking asawa ay napagsabihan din ni G. Manalo na humiwalay sa akin upang lalong maibuhos ang aming paglilingkod sa "Iglesya". Tuwing maaalala ko ang payong ito ni G. Manalo, ako'y napapailing na lamang at nahahabag ako sa mga bagong ministro at mga kasaping walang malay.


▬ PAHINA 11 ▬


Ipinatulisga sa amin ang mga pari sa hindi pag-aasawa, gayong sa palagay pala ni G. Manalo, ay wasto ang gayong kalagayan ng buhay. Isa pa, nakalimutan niya ang nasa Biblia: "Ang pinagtali ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." (San Mateo 19:6)


Sa piling ni G. Manalo, nasaksihan ko rin ang takot ng mga ministro at mga kasapi sa kanya ay hindi takot sa Panginoong Jesu-cristo. Maraming nagkakasala sa batas ng Panginoon, subalit hinding-hindi kailan man susuway sa batas na ipinasusunod ni G. Manalo. May mga ministrong nagtangkang sumuway at umungol kay G. Manalo, at sila'y dagling itiniwalag. Kung hindi man, sila'y pinagbuhatan ng kamay ni G. Manalo. Si Ministro P. Vasquez, halimbawa, ay sinampal ni G. Manalo sa isang tribuna. May mga ministro rin namang minura't sinaktan dahil sa natalo o nagpabaya sa isang debate. Wala namang makakibo sa kanila sapagka't mahirap ang hanapbuhay. Sa lahat ng nakasama kong ministro, wala na yatang hihigit pa kay Ministro Teodoro Santiago sa pagdaranas ng hirap sa kamay ni G. Manalo. Kung mahina ang abuluyan, nagagalit siya, sapagka't mahina raw ang aming pananampalataya.


Araw naman ng Linggo noon. Sa isang pagsamba sa kapilya sa Tayuman, Maynila, si G. Felix Manalo ay pumasok at nagsalita, tungkol sa isang bugbugang naganap sa isang papulong ng aming iglesya. Mayron daw isang Katolikong nagtanong, at nang magipit ang Ministro sa papulong, gumawa ng gulo ang mga kapatid at binugbog ang Katoliko.


"Idalangin natin ang ganyang ministro," wika ni G. Manalo, "upang siya'y huwag maparusahan ng Diyos. Tayong lahat ay dapat na mag-ibigan." Ang akala ng lahat, napopoot kami sa ano mang away o gulo. Ang totoo, ayaw namin ng away o gulo kung kami'y nananalo. Sa aking palagay, si G. Manalo ay nagkunwari lamang sa sinabi niya sa kapilya, sapagka't nang kami-kami na lamang ang nag-uusap


▬ PAHINA 12 ▬


sa tanggapan sa Broadway, Quezon City, ganito humigit-kumulang ang sabi niya: "Mabuti nga, ang pambubugbog na ginawa ng ating mga kapatid, para madala ang sino mang magtatanong ng ikapapahiya ng ministro." At siya'y napahalakhak pa. Sa pagkukunwaring ito, nadadagdagan na naman ang pag-aalinlangan ko sa kanyang pagiging "sugo" ng Diyos. "Ang mga apostol ay hindi gumagamit kailan man ng pakunwaring salita." (1 Tesalonica, 2:5).


Tungkol sa bagay na ito, ipinapayo ko sa mga Katoliko at mga Protestante na rin, na sila'y mag-ingat sa pagdalo at pagtatanong sa mga papulong ng "Iglesya ni Cristo." Ang mga mamamayang tahimik na rin ang nakasasaksi na ang mga ministro sa isang pagpulong ay laging may "body guard" at may mga kaanib na siyang gumagawa ng gulo o nagpapasimulang manakit. Kami noong araw ay nagbabalitang kalaban ng ano mang basag-ulo, datapuwa't kapag kailangan, iyan ang aming ibig, lubha pa kung natatalo na sa debate ang aming panig. Narito ang aming kataksilan: kunwa'y hinahagkan ka ng halik ng kapayapaan, datapuwa't ang halik ay tulad ng sa mapagkanulong si Judas. Ayaw namin ng gulo, ngunit madalas na kami ang pumapasok, kundi man nagpapasimula ng gulo.


Ang ipinalalagay kong pagkukunwaring aral ay natalos ko rin tungkol sa abuluyan. Kung kami'y may nang-aakit, hindi muna kami bumabanggit ng bagay na ito. Sinasabi naming hindi sapilitan ang abuluyan, kundi kusang loob lamang. Totoo nga, subalit higit pa sa kusang loob at higit pa rin sa sapilitan ang nangyayari sa abuluyan kung ang isang tao'y nadoktrinahan na namin. Hindi ko malimutan ang pagtawag ko ng pulong sa baryo Sta. Barbara sa Baliwag, Bulacan.


Taon: 1935. Tinawagan ko ng pulong ang mga pamunuan at kasapi. Pagkatapos kong magsalita at magpayo, ipinag-utos ko sa lahat na isagawa ang abuluyan.


▬ PAHINA 13 ▬


Ang bagay na ito ay talaga namang ipinagagawa sa aming mga ministro. Sa pagtitipong yaon, napasyal si G. Manalo. Marami siyang payong binigkas. Datapuwa't, nang dako'ng huli, ako'y kinagalitan sa harap ng madla. Bakit ko raw hinayaang magkaroon ng abuluyan. Hindi ko raw ba nakikitang nagugutom ang mga tao. Ako'y napahiya sa hindi ko inaasahang pakli niya. Ang mga kasapi ay paniwalang-paniwala sa 'kunwa'y pagmamahal ni G. Manalo sa kanila.


Subalit, nang kami ni G. Manalo ay nasa kotse na niya, tinanong sa akin kung magkano raw ang salaping nalikom. "Mayroon lamang pong isang daang piso," ang tugon ko.


"Midio," nakangiting wika sa akin ni G. Manalo, "malaki na 'yan." Kinuha sa aking kamay ang sobreng naglalaman ng salapi. Kami ay nagtungo sa isang otel sa Sta. Cruz, Maynila at doo'y kumain kami nang sagana. Pagkatapos ay inatasan akong magtungo sa Olongapo, Zambales sapagka't, ayon na rin sa kanya, "doon ay mahina ang abuluyan." Naawa ako sa mga walang malay na kasapi sa aming iglesya. Nahahabag ako sa mga naroon pa ngayon, at idinadalangin kong nawa'y hindi na magtagal ang pagsinay ng liwanag ng katotohanan sa kanilang isip.


Ang lalong kaawa-awang kalagayan ng mga kaanib sa sektang ito ay ang kawalan ng kalayaan maging sa pag-iisip, sa niloob at sa gawain. Kapag ang isang kasapi ay sumalungat sa ministro tungkol sa mga aral ni G. Manalo, siya'y binabantaan agad. Kung siya'y mananatili sa kaniyang kalayaan sa pag-iisip, kapagdaka'y pagsasabihan siyang "kampon ni Satanas." Ang mga kasapi ay tunay na pisil sa ilong, gapos ang isip at puso. May mga ministrong ayaw pumayag na pagapos, kaya't sila'y umalis o itiniwalag. Nariyan si Nicolas Perez, Cirilo Gonzales, Alejandro Canlas, Zosimo Pangan at Dantes.


▬ PAHINA 14 ▬


Ako'y nagtangka na ring umalis. Datapuwa't inamuki akong manatili.


Sukat nang ipagtapat ko na ang sino mang kasapi, lalo na kung ministro, na tumiwalag, ay inihahambing sa isang pagano o sa isang salarin. Yaong palibot-sulat ni G. Manalo tungkol dito ay nagsasaad ng kawalang kapuwa-tao sa mga umalis sa piling niya. Narito ang halimbawa:


TANGGAPANG PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI KRISTO SA KAPULUANG PILIPINAS

42 Broadway New Manila, San Juan, Rizal, K.P.


Hunio 8, 1937.

Mayo 27


SA LAHAT NG MGA KAPATID SA LAHAT NG POOK NG IGLESIA NI KRISTO SA K. PILIPINAS 

MGA MAHAL NA KAPATID:


 Sa pamamagitan ng liham na ito, ipinatatalastas namin sa inyo na sila (Sic) Kapt. na NORBERTO CRUZ, ANTOLINO MACASIANO, BIENVENIDO CASTRO, SIMPLICIO ELIZAGA at FORTUNATO LOZANO ay NAWALAN NG KARAPATAN pagka-mangagawa dahil sa kasalanang paghalay at pagpapabaya sa kanilang tungkulin; sila (Sic) Fortunato San Esteban at Joaquin Balmores ay dahil sa pag-"vale" ng labis at panlilinlang sa mga naglalagay ng "O.K.," na ito'y makalawang ginagawa sa isang pagkakataon. Si Kapt. na VIVENCIO COSICO ay sa pag-"vale" ng higit sa kanyang tinatanggap. Si CIRILO GONZALES ay di lamang sa labis na pag "vale" kundi sa paggamit din naman ng di wasto at pagmamalabis sa kaniyang karapatang hawak na pagka-tagapamahalang katulong ng Iglesia. Ang kanilang "vale" ay umaabot sa makalawang ibayo ng halagang kanilang tinatanggap buwan-buwan.


▬ PAHINA 15 ▬


Si Felix Ortiz ay itinitiwalag dahil sa panlilinlang sa pag-utang sa mga kapatid na ang sinasangkalan ay ang ating Tanggapan. Si ANTONIO COLLANTES ay itiniwalag din sa Iglesia dahil sa paghuwad sa pangalan ng Tagapamahala ng Div. ng Laguna upang makakuha ng kwarta sa Ingat-Yamang Pang-pook, at ikalawa'y sa kanyang pagsasamantala sa kamangmangan ng isang dalaga upang maitanan.


Sila (Sic) FELIX ORTIZ, JOAQUIN BALMORES, CIRILO GONZALES, at ANTONIO COLLANTES, ay huwag ninyong tutulutang makasamba kahit sa labas ng bahay sambahan, ni kaawaan, kupkupin o tanggapin sa inyong mga tahanan; ngunit ang nawalan lamang ng karapatan ay ipinagbibilin namin sa inyong huwag silang pautangin ng anoman sapagkat kami'y di nananagot sa kanilang utang sakaling sila'y pautangin ninyo.


Hanggang dito na muna at umaasa ako sa inyong pananampalataya na inyong aalinsunurin ang aking mga tagubiling ito. Pagpalain nawa kayong lahat ng Dios sa ikatutupad ninyo ng lahat ng Kaniyang Kalooban.


Ang inyong kapatid kay Kristo, 

(may lagda) FELIX MANALO


Babanggitin ko naman ang nangyari sa akin.


Buhat nang ako'y tumiwalag, ipinagbawal na sa mga kasapi ang makipag-usap sa akin. Si Ministro Pineda ay natiwalag dahil sa dumalaw sa akin. Sa bawa't sandali ay nangangamba akong baka pagbuhatan ako ng kamay dahil sa marami akong nabalitaang sinaktan na ng mga tagasunod ng Iglesyang tinulungan kong lumaganap. lisa ang dahilan: sa pakiwari ko, ayaw pahintulutang makipag-usap sa akin ang mga kaanib sa sekta, sapagkat maibubunyag ko lamang ang mga katiwalian sa "Iglesya". Baka nga naman magsitiwalag din ang iba, at mag-iba tuloy ng paniniwala. Sa palagay ko, si G. Manalo ay


▬ PAHINA 16 ▬


walang sukat ikatatakot kung mag-iba man ng relihiyon ang aming pinagpagurang mga kasapi, sapagkat mayaman at matanda na siya. Ang mga ministrong doon nabubuhay ang siyang dapat mangamba sa aking pagbubunyag. Ikatutuwa naman ng mga kaanib na malaman ang lahat, sapagkat hangga't maaga sila'y makawawala sa silo at mapapanatag ang kanilang kalooban.


Masasabi kong matamis ang pagsasamahan namin ni G. Manalo. Naging karangalan ko ring mapagtapatan niya ng maraming bagay. Noon po lamang na nasa Gagalangin ang aming tanggapan, kami ni G. Manalo ay madalas magkadalawan. Nang "ikasal" kami ng aking maybahay sa Capas, Tarlac, si G. Manalo ay dumalo sa pagtitipon kasama ang kanang kamay na si Teodoro Santiago. Pinalubag pa niya ang aking loob sa pagsasabing "Midio, ikaw lamang ang dinalaw ko sa ganitong pagkakataon kahit na mahirap ang viaje."


Ako naman ay masunurin sa kanya. Ano mang oras na ako'y ipatawag, ako'y dagling sumusunod. Hindi ko ibinabalita sa iba ang mga ipinagtapat niya sa akin. Hindi ko binabanggit sa tao ang mga katiwaliang nagaganap sa tanggapan ni G. Manalo. Malaki ang paghanga ko kay G. Manalo bilang isang lider, bagaman simula pa noong una ay wala akong paniwalang siya'y hinirang ng Diyos sapagka't kilalang-kilala ko ang pagkatao niya. Minsan nga ay nabanggit pa niya sa akin na siya'y marunong pa kay San Pedro at kay San Pablo, at kung hindi ako nagkakamali, ganitung-ganito ang naipahayag niya: "Ang Iglesyang ito'y hindi sa Diyos kundi sa diablo!"


Nang ako'y "Division Minister" sa Pampanga, mayroon ding ipinagtapat sa akin si G. Manalo. Isang umaga'y tumanggap ako ng sulat sa kanya at ako'y kanyang pinaluwas. Dagli akong nagtungo sa Broadway, Quezon City. Natatandaan ko pang ang sireno sa tanggapan ay si G. Eulalio Apolinario. (Ang lalaking ito'y tumiwalag na rin sa "Iglesya". Bilang sireno, marami ring mga lihim ang maaari niyang ibunyag tungkol sa kasamaang


▬ PAHINA 17 ▬


nagaganap sa Iglesia ni G. Manalo.) Ibinalita sa akin ni G. Manalo na ang bahay na iyon ay ibibigay niya kay Pilar (anak niya). Hindi ako kumibo sapagka't pinatira naman ako sa San Perfecto, San Juan, Rizal.


Isang hapon, binigyang lugod ang loob ko nang sinabi niya sa akin: "Midio, ngayon ay mayaman na tayo. Nakasosyo na tayo sa Magdelena at sa iba't iba't ibang negosyo." Sa loob-loob ko lamang: "Hindi tayo ang mayaman, hindi ang Iglesia ang mayaman, kundi ikaw ang mayaman." Bago ako umalis ay tinagubilinan ako na sa mga pagsamba namin sa lalawigan, huwag ko na raw hayaang humaba ang mga awit. Dugtong pa niya: "Huwag na rin nating ipagbawal ang alahas, sapagka't paano naman ang mga may-kaya sa buhay lalo na yaong mga bagong kumbertido." Pakli naman ng isang ministro: "Dapat nga nating sundin ang panahon." Ang tugon ko'y "Di pinansin: Sino ba ang dapat sundin ang Dios o ang tao?" Ang paninindigan natin o ang panahon? Kung laging panahon ang ating susundin, darating ang panahong babagsak ang ating kilusan. Ang panahon ay pabagu-bago, lilipas at kung dito tayo susunod, ang iglesia natin ay lilipas kasama ng panahon."


Ang pangangatwiran ko'y walang halaga. Mahirap sumalungat sa isang taong "hinihirang (daw) ng Diyos"


SINO SI GINOONG MANALO?


Naisalaysay ko na ang ilang mga pangyayaring nasaksihan ko sa piling ni G. Felix Manalo. Makatuturang malaman natin kung sino si G. Felix Manalo at kung ano-ano ang mga pangunahing aral niya. Ang talambuhay niya'y nabatid ko sa lathala ng ibang manunulat na kapani-paniwala dahil sa kanilang mga katibayang inihaharap.


Si G. Felix Manalo ay ipinanganak sa Tipas, Taguig, Rizal noong 1886. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Ysagun at Bonifacia Manalo. Walang makapag-


▬ PAHINA 18 ▬


sabi kung bakit niya itinakwil ang apelyido ng kanyang ama, na dapat sana niyang taglayin at huwag ikahiya. Ang dahilan ng iba sa pagtataglay ng isang tao ng apelyido ng kanyang ina ay sapagka't siya'y anak sa labas. Subalit si G. Felix Ysagun naman ay hindi anak sa labas. Sabi ng ilan: "kaya pinalitan ang apelyido ay upang makatawag-pansin, lalo na kung may debate. Matalo man sa pag-uusap, Manalo nga naman ang apelyido." Natatanging katwiran ito, kung totoo. May nagsasabi naman na lubhang panamahal si G. Felix Manalo sa kanyang ina kaya't binitiwan ang apelyido ng kanyang ama.


Siya ay may kapatid na babae na ang ngalan ay Praxedes. Nang ang magkapatid ay maulila sa ama, si Bonifacia ay nag-asawang muli, kay Clemente Mozo, at ang dalawa'y nagkaroon ng ilang supling. Si Felix naman ay nag-asawa kay Honorata de Guzman at nagkaroon ng mga anak, sina Pilar, Avelina, Dominador, Salvador, Eraño at Bienvenido.


Si G. Felix Manalo, kagaya ng kanyang mga magulang, kapatid at kamag-anak ay pawang mga Katoliko. Sa katunayan, ang kanyang mga kamag-anak ay nagtataka kung bakit maraming mga Pilipino ang napadala sa kanyang mga paliwanag, gayong alam nila ang buhay ni G. Manalo. Kaya ang mga kapatid at kamag-anak niya ay nananatiling Katoliko pa rin. Si Manalo ay napahiwalay ng landas sa aking palagay, dahil sa dalawang katangian niya. Una tulad ng ibang katolikong naturingan, hindi siya nagsikap na mag-aral ng kanyang relihiyon, hindi siya tumutupad ng kanyang mga tungkulin. Siya ay natuto ng mga aral at gawaing katoliko nang magpalipat-lipat siya sa iba't ibang sekta at magtatag ng sariling Iglesya. At natutunan niya ang lahat, hindi upang isaisip at tuparin, kundi upang tuligsain at siraan lamang. Ikalawa, si G. Manalo ay palaisip, pala-aral nang wala man lamang gabay o tanglaw kundi ang sariling kalooban at kasiyahan. Oo nga't hindi siya nakarating ng mataas na paaralan, nguni't mahilig siya sa pag-aaral ng Biblia.


▬ PAHINA 19 ▬


Ang pagkatao ni G. Manalo ay nakarating sa hukuman ng ating bayan nang siya'y mapagbintangang nagnakaw ng pabo. Si Hukom Gregorio Concepcion ng Pateros, Rizal ay nagpataw sa kanya ng sampong araw na pagkabilanggo nang mapatunayan ang kasalanan ni G. Manalo laban sa batas ng Diyos at ng ating pamahalaan. Ang mga kamag-anak at kakilala ni G. Manalo na nakababatid nito ay talagang mahirap mapaniwala na si G. Manalo ay "sugo" ng Diyos o na ang iglesyang pinamamahalaan niya ay "tunay." Kapag ang pagnanakaw na iyon ay binabanggit sa mga mapaniwalang kaanib ng "Iglesia ni Cristo" sila'y nagtatanggol sa ganitong paraan: "Hindi namin itinatatuwa na siya'y nahatulan ng hukuman. Subali't, nang siya'y magnakaw, siya'y Katoliko pa."

Nakatatawa ang pagtatanggol na nabanggit, sapagka't maliwanag na si G. Manalo ay nabilanggo hindi dahil sa pagiging Katoliko, kundi dahil nga sa paglabag sa batas ng Diyos at ng Simbahang Katoliko "Huwag kang magnakaw". Napatunayang nagnakaw ba o hindi? Napatunayan kaya nahatulan. Ang pagnanakaw ay labag din sa batas ng bayan. 

Dahil sa kanyang hilig sa pag-aaral nang wala man lamang liwanag ng Santa Iglesia na nagbigay sa atin ng ayos ng Biblia, si G. Manalo ay napapasok sa marami't makakasalungat na pananampala-taya. Mula sa Iglesia Katolika, na dito nga'y hindi siya makatupad ng tungkulin, siya'y lumipat sa Metodista Episcopal. Nang hindi masiyahan, nagpalipat-lipat siya sa Ellinwood Presbyterian School, Mission Church, Seventh-day Adventist (Sabadista). Ang talaang ito'y hango sa "Cornejo's Commonwealth Directory of the Philippines." Nang siya'y nasa isang sekta, hindi kataka-takang sabihin niya na iyon na ang katotohanan. Paglipat niya sa iba, sasabihin na naman niyang iyon ang katotohanan. Mahuhulo nating


▬ PAHINA 20 ▬


paiba-iba ang katotohanan sa isip ni G. Manalo. At hindi kaya naman dumating ang sandali na iwanan niya ang iglesyang kanyang itinatag, magbalik loob sa tunay na pananampalataya ng ating mga magulang at magsabing "ito lamang ang katotohanan"? Ito ang dapat maging layunin ng panalangin ng mga Pilipino sa kabutihan na rin ng ating lahi.

Matagal kong nakasama si G. Manalo, kaya't masasabi kong siya'y mahusay magsalita at makisig sa pagkilos. Siya'y hindi kinakapos ng sasabihin, maingat naman sa pagsasalita sa madla, at mapagpayo. Sa kabila nito, batay sa naisalaysay ko na, siya'y may kataasan ng loob, mabuting kaibigan subalit malupit na kaaway. Siya'y matalino sa paghuli ng loob ng iba, katulad ng papuri sa kanino mang tumutulong sa kanya. Mahusay siyang manghikayat, na pinatotohanan ng libu-libong tagasunod niya at ng mga kapilyang naipatayo niya sa pamamagitan ng mabilisang panawagan sa mga kasapi. Napakabuting bagay kung ang mga katangiang ito'y ginamit sa pagpapalaganap ng tunay na liwanag at katotohanan.

Nang kami'y magkakasamang nagpapalaganap ng "Iglesya," maraming mga balita ang kumalat tungkol sa diumanong mga kasalanan niya laban sa kalinisan. Hindi miminsang nakarating sa hukuman ang kanyang suliranin dahil sa pagsasakdal na rin niya laban sa mga nagbintang sa kanya. Karamihan sa mga sakdal niya ay pinawawalang halaga ng hukuman nangangahulugang ang bintang sa kanya ay hindi na bintang kundi may katotohanan.

Sa kabila ng mga pasiya ng mga hukuman ng Republika ng Pilipinas, sa kabila ng mga lathala sa pahayagan, si G. Manalo ay marunong magtakip ng ano pa mang pangyayaring makasisira sa pangalan niya. Bilang patotoo, hindi dagli-dagling mapapaniniwala ang mga kaanib sa "Iglesya" sa mga hatol ng ating hukuman. Higit na paniniwalaan nila si G. Manalo at ang kanilang ministro. Katulad ng nasabi ko na sa dakong unahan, ang


▬ PAHINA 21 ▬


isip at puso ng mga kasapi ay pinuno na ng aral ni G. Manalo at ng mga ministro, kaya't wala nang lugar para sa ibang aral bagaman ito ang liwanag at katotohanan.

Ang lalong tanyag na usaping kinasangkutan ni G. Manalo ay ang kanyang pagsasakdal laban kay Rosita Trillanes, isang babaing "kapatid" sa Iglesia namin. Si Rosita Trillanes diumano'y nagpakalat ng liham sa loob ng Iglesia, sinasabing siya'y ilang ulit na ginahasa ni G. Manalo. Si G. Manalo ay nagsakdal laban sa babae. Nanaog ang hatol ng Hukumanng Unang Dulugan na nagsasabing si Rosita ay nagsalita ng libelo o paninirang puri laban kay G. Manalo. Si Rosita ay naghabol sa nakatataas na hukuman. Iba ang naging hatol nito. Si Rosita ay pinawalang sala, nangangahulugang si G. Manalo ang may nagkasala ng kahalayan. Sisipiin ko na lamang ang munting bahagi ng hatol ng Hukuman ng Paghahabol, na pinapayuhan pa si G. Manalo na maging halimbawa ng iba bilang lider ng isang sekta. Narito ang hatol at payo ng hukuman.

"Sinuri namin nang buong ingat ang mga patotoo hinggil sa usapin, at kami ay naniniwalaang ang naghabol (Rosita Trillanes) ay tagumpay sa pagbibigay ng mahalagang patotoo... ang mga patotoo niya at ng kanyang mga saksi ay higit na nakita naming dapat na pani-walaan at pahalagahan kaysa mga patotoo ng naghabla (Felix Manalo) at ng kanyang mga saksi..."

"...Na ang patotoo ng naghabol (Rosita) ay nagpapakilalang si Felix Manalo ay nagsamantala sa kanyang kalagayan bilang puno ng "Iglesya ni Kristo na nagwagi siya sa pagdaraya sa kanya (Rosita) at sa mga ibang babaing kaanib ng iglesya, na sa kanila'y ginawa niya ang labag at mahalay na gawang ito... na ginamit ng naghabla (Manalo) ang relihiyon bilang balabal upang itakip sa kanyang masasagwa at mahahalay na gawain; na siya'y nagpanggap na Mesias na sinugo ng Diyos at sa pagdaraya sa kanyang mga pinagsamantalahan, ay binanggit niya si Solomon at ang kanyang mga babae..."


▬ PAHINA 22 ▬



Tinanggap ng Mahal na Piskal na may katuwiran upang paniwalaan na ang naghablang si Felix Manalo ay gumawa ng mga kahalayan sa ilan sa mga babaeng kaanib ng Iglesia... na si Felix Manalo ay may mababang uri ng moral. (Decision of the Court of Appeals No. 8180, April 21, 1942 by Justices Hontiveros, Briones and Torres)

Maliwanag na hindi lamang pala isang babae ang pinagsamantalahan ni G. Manalo, ayon sa husgado. Ang pamahalaan ng Republika Pilipinas ang siyang humatol sa pamamagitan ng hukuman. Sino ngayon ang paniwawalaan natin? Ako man ang ministro ngayon, gagawa rin ako ng paraan upang huwag mapaniwala ang mga kaanib na walang malay at sunud-sunuran lamang sa bawat aral ng mga ministro.

Kaaawa-awa nga ang mga mapaniwalain na si G. Manalo, na nakilala ko rin ang buhay, ay kinikilala pa nilang "anghel" o sugo ng Diyos. Kakaiba ngang sugo ito!

Kapag ang pansariling buhay ni G. Manalo ang nauungkat, ang mga tagapagtanggol ng "Iglesya ni Cristo" ay nangangatuwiran ng ganito: "Si David at Solomon ay marami ring babae, datapuwa't sila'y hinirang din ng Diyos." Kapag naman nabanggit ang hatol ng huku-man na hindi mapabubulaanan, umiiwas agad ang mga ministro at itinuturo sa mga kaanib ang ganito: "Magpakatibay kayo, mga kapa-tid, talagang si Kapatid na Manalo ay sisiraang puri, tulad din ng pag-uusig na pinanawa sa ating Panginoon!"

Ang katuwirang ito, kung katuwiran ngang totoo, ay nabanggit nang minsan sa STUDY CLUB ng Peñafrancia, Maynila at ang katugunang aking narinig ay sinasangayunan ko. Ang takbo ng katugunan ay ito. Si David at Solomon ay mga haring marurunong. Silay dinala sa pagiging hari at sa pagiging marunong. Paano maitutulad si G. Manalo sa kanila, gayong si G. Manalo'y inaaming mangmang? Isa lamang kung gayon ang kanilang pagkakawangis: ang kanilang kasamaan


▬ PAHINA 23 ▬


na hindi kinalugdan ng Diyos (3 Hari 11:1-4). Ang mga haring nabanggit ay kinalugdan ng bayan sa pamamahala, at pinarusahan ng Diyos. Si Manalo, sa halip na kalugdan, ay naidawit pa ng hukuman ng ating bansa sa diumano'y gawaing kahalayan. Ang pagwawangki naman ng "paninira" kay G. Manalo sa pag-uusig sa ating Panginoong Jesucristo ay isang kalapastanganan. Una, si Jesucristo ay Diyos na maluwalhati magpakailan man (Roma 9:5) at hindi maipapantay kay G. Manalong tao. Ikalawa, si Jesucristo'y inusig sa gawaing kabanalan ng mga taong masasama; si G. Manalo naman ay kinagalitan ng ating hukuman sa gawaing masama. Kaya, nakahihiya na sa ating mga kabalat ay magpakataas ng lipad hanggang sa lapastanganin ang Diyos, ipantay ang sarili sa Kanya at maglihim sa sarili niyang kababayan.

Tungkol sa mga bagong "sugo" at kung sinu-sino lamang na nangangaral, nais kong banggitin ang paalaala ng mga Unang Lingkod ni Jesucristo. "Paanong makapangangaral kung hindi sinugo?" (Roma 10:15) "Pinamamakhik ko sa inyo na bantayan ninyo ang mga nagtatamin ng pagkakabaha-bahagi... at ilagan ninyo sila, hindi sila naglilingkod sa ating Panginoon kundi sa kanilang sariling tiyan." (Roma 16:17, 18 angkop din ito kay Damian Soto at iba pa). "At hindi kayo dapat magtaka: si Satanas man ay nagpakunwaring anghel ng kaliwanagan." (2 Cor. 11:14, 15)

ANG MGA ARAL NG "IGLESYA"

Ang mga aral ng "Iglesya ni Cristo" na lumitaw noong 1914 sa Punta, Sta. Ana, Maynila at pinamamahalaan ni G. Felix Manalo ay matatagpuan sa mga aklat na "Mga Katotohanang Dapat Malaman Ukol sa mga Aral ng Iglesya Katolika Apostolika Romana" at "Sulo sa Ikatityak ng mga Aral ng Iglesya Katolika Apostolika Romana", sa babasahing "Pasugo" at sa pangangaral ng mga ministro sa mga kapilya, mga tahanan at paupahang bayan.

Ang unang aklat ay pantawag pansin sa mga Katolikong madaling mapapaniwala. Ang nasusulat dito ay pawang pagtatuwa


▬ PAHINA 24 ▬


o pagpapawalang halaga sa mga aral at gawang Katoliko. Ang pangalawa'y naglalaman ng mga aral ni G. Manalo ayon, aniya, sa mga hula sa Apocalipsis (7, 2, 3). Tinutukoy daw dito ang pagiging 'anghel ni G. Manalo at paglitaw ng 'Iglesya ni Cristo sa Pilipinas noong 1914. Ang Pasugo' ay siyang babasahing naghahayag sa mga kasapi ng mga paliwanag tungkol sa kanilang mga aral, pagsalungat at pagtatuwa sa mga aral at gawang Katoliko. Ang pangangaral naman ng mga ministro ay pagtataguyod sa pananampalataya ng mga kaanib ayon sa kalooban ni G. Manalo o ng kanyang punong tagapagturo."

Hindi ko na iisa-isahin ang mga aral (manapa, pintas at paratang) ng "Iglesya" laban sa Iglesya Katolika. Sukat nang sabihin ko na sa loob ng dalawampung taong pangangaral ko sa "Iglesya," at hanggang ngayon, ang "Iglesya ni Cristo" ni G. Manalo lamang ang nakita kong sekta na walang pinanghahawakang aklat na aral kundi ang Iglesya Katolika na binabaluktot o tinutuligså lamang. Walang mababasa sa Biblia na ang demonyo ay nagmura o nagbitaw ng mahahayap na salita tulad ng ginagawa ng marami sa "Iglesya ni Cristo". Kaya maaari nating sabihin na nahihigitan ng mga ministro ni G. Manalo ang demonyo sa bagay na ito. Inaamin ko na noong ako'y ministro, ako'y nagpakalabis din sa pagpaparatang at pagsira, kaya naman ngayong naliwanagan na ako, nais kong magbadyad puri sa kalapastanganang nagawa laban sa Diyos, sa Iglesya Katolika at sa kapuwa tao, lakip ang dalangin ko sa araw-araw na sana'y mabaglik loob na rin sa katotohanan at kalinisan ng budhi si G. Manalo, ang kanyang anak at ang mga ministro't tagasunod niya.

Sa pagbabasa ko ng mga aklat Katoliko at paliwanag ng mga higit na may pinag-aralan kaysa akin, napag-alaman ko na ang mga aral pala ng "Iglesya ni Cristo" ay lumang-lumang tugtugin na, sapagkat ang mga iyon ay hango lamang sa iba't ibang sektang kinaaniban ni G. Manalo. Si G. Manalo ay galing sa Metodista Episcopal, Sabadis-ta at kung saan-saan pa, kaya halos lahat ng mga


▬ PAHINA 25 ▬


aral ng kanyang iglesya ay hiram o batay lamang sa mga ito. Ang hindi pagkain ng dugo, halimbawa, ay kinuha sa Sabadista, na kinuha naman sa mga Hudyo. Ang hindi pagsamba sa larawan ay aral Katoliko, at ang pagsambang iyon ay ginawang paratang lamang ng mga Protestante. Ang di paniniwala sa Santa Misa, sa Mahal na Birhen, sa Santo Rosaryo, sa mga Santo, sa Banal na Pakikinabang, sa Kumpisal at iba pa ay pawang pagtatatuwa lamang ng mga aral Katoliko na isinasagawa ng mga naunang Protestante. Ang aral na si G. Manalo ay "anghel" ay hindi rin bago, sapagkat marami na ang naunang mga tao na nangahas mag-angkin ng gayong karangalan. Dito lamang sa Pilipinas ay maraming nagsasabing sila'y "sugo" ng Diyos. Ang Mahal na Panginoon ay nagbabala na noon pa man sa mga taong mangangaral sa Kanyang pangalan: "... magsisilitaw ang mga bulaang Cristo at bulaang mangangaral." (San Mateo 24:24). "Kaiingat kayo sa mga bulaang mangangaral... sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila". (San Mateo 7:15, 16). Si San Pablo ay nagwika rin: "Kahit na kami o isang anghel mula sa langit ay mangaral sa inyo ng Ebanghelyo na iba kaysa aming ipinangaral, siya ay matakwil." (Mga Taga-Galacia 1:8)."

Ang pagtatatuwa sa pagka-Diyos ni Cristo ay lumang aral din.

Ang mga sekta nina Cerinto, Ebion, Arius, Maniqueo, Nestorio at marami pang iba ay nagtatuwa rin sa pagka-Diyos ni Cristo, at silang lahat ay nangapawi na't inilibing ng kanilang sariling kamalian. Ang mga Saksi ni Jehovah ay hindi rin naniniwala sa pagging Diyos ni Cristo tulad ng Ama at Espiritu Santo. Hinihintay ko pa ring matuto ng kasaysayan ang mga kasapi ng "Iglesya ni Cristo" upang hindi maligaw sa kanilang paniniwala't maling akala na sariling kanila ang aral na si Cristo'y hindi Diyos.

Bakit kaya itinatatwa ni G. Manalo na si Cristo ay Diyos? Sa aking abang palagay, ayon sa pagkakakilala ko kay Manalo, napakalaki ng paniniwala ng mga kasapi


▬ PAHINA 26 ▬


tungkol sa pagka-'anghel ni Manalo. Kung si Cristo nga naman na nagtatag ng tunay na iglesia ay aaring Diyos, mahihigitan pa si G. Manalo. Kung sabihing tao, at hindi Diyos si Cristo, higit na paniniwalaan si G. Manalo. Ang nakalulungkot, sa pagtatatuwa kay Cristong Diyos tulad ng mga Hudyo, sinasangkalan pa nila ang Biblia.

Sang-ayon sa mga manunulat na Katoliko at Protestante, tinatawag na kristiyano ang mga tagasunod ni Cristo, hindi lamang tagasunod, kundi naniniwala rin sa pagka-Diyos ni Cristo. Ang hindi naniniwala kung gayon sa aral na si Cristo ay Diyos ay hindi matatawag na kristiyano, kundi anti-Cristo o pagano. Ang "Iglesya ni Cristo" (pangalan pa naman ni Cristo ang ginamit) ay hindi naniniwala sa pagka-Diyos ni Cristo; samakatuwid ito'y anti-Cristo, hindi kristiyano. Sa Biblia ay may pangyayari na ang demonyo mismo ay naniwala sa kapangyarihan ni Cristong Diyos. (San Lucas 8:28-31) Kaya, masasabi ko: kung ang demonyo na rin na kalaban ni Cristo ay naniwala sa Kanya, kataka-takang may mga taong hindi naniniwala sa Kanyang pagka-Diyos. "May mga tao palang nakahihigit pa sa paniniwala ng demonyo," wika nga ng isang kasama ko sa paglilibot sa lalawigan upang paliwanagan ang mga nadirimlan.

Ang masasabing bagong aral na maituturing na sariling kanya ng "Iglesya ni Cristo" ay ang paraan ng pagtuligsa, paninira't pagbibintang sa kapuwa. Ito lamang ang sektang nagtuturo ng lahat ng taong wala sa kanilang bakuran ay "kampon ni Satanas" at "walang kaligtasan." Maliban dito, panay na lumang tugtugin na ang iniaaral. Ang pag-aaral na rin ng Biblia ay hango rin sa mga Protestante, alala-umbaga'y pansariling kahulugan ang ibinibigay sa mga talata nito. Ang mga sipi ng Bibliang ginagamit naming mga ministro ay hindi maaring sabihing amin sapagkat ito'y sa "American Bible Society". Ang ibinibigay na kahulugan ito ang sariling amin. Pati na ng mga awit na ipinatuturo sa mga kaanib ay hinango lamang sa ibang sekta.


▬ PAHINA 27 ▬


Nito na lamang dakong huli at saka nagkaroon ng mga awit na Tagalog na akma sa aral ng "Iglesya." Nakatatawa, may awit din dito na isang panalangin datapuwa't pumupuna sa aral Katoliko. Natatandaan ko, ako'y naatasang maghanda ng isang HYMNARIO sa Kapampangan. Palibhasa'y wala kaming sariling aklat ng awit, kaya ang mga awit na ipinalimbag ko ay hango lamang sa mga aklat Katoliko at Protestante. May balita akong ginagamit pa rin sa "Iglesya ni Cristo" ang HYMNARIO o aklat ng mga awit na aking binuo.

Bilang pagbubuod, ang aral ng "Iglesya ni Cristo" ay maaaring mahati sa dalawa. Una, ang tunay na Iglesya anya ay ang pinamamahalaan ni G. Felix Manalo, sapagkat ito lamang ang nagtataglay ng ngalang "Iglesya ni Cristo" ayon na rin daw sa Biblia (Roma 16:16: Mateo 16:18). Ang kasaysayan na rin ang magpapabulaan sa aral na ito. Marami nang iglesya ang nauna at may gayon ding pangalan. Ikalawa, si G. Manalo anya ay sugo o "anghel" ng Diyos ayon sa aklat ng Apokalipsis (7:2, 3) kaya kahit ano ang ituro niya ay dapat pakinggan. Nababatid na nating wala namang bagong ipinaturo sa aming mga ministro si G. Manalo, kundi panay na pagsira, pagbatikos at pagtatatuwa ng mga aral at gawaing Katoliko.

Hahayaan ko munang ang mga Protestante na rin ang sumuri sa mga aral ng "Iglesya ni Cristo." Sa isang lathala ng kalipunan ng mga Protestante dito sa Pilipinas, "Origins and Beliefs of Other Sects" (Y 53/1, Federation of Christian Churches) ganito ang ilang bahaging may kinalaman sa "Iglesya":

"...Karamihan sa mga kasapi nito ay hindi gaanong nag-aral. Lubhang kakaunti sa kanyang mga ministro ang nagtapos ng Mataas na Paaralan. Si Manalo na rin ay hindi makapagsalita ng Ingles.... Ang unang turo ni Manalo ay sabihing ang "Iglesya ni Cristo" ang tunay na iglesya. Ang may katusuhang paggamit ng "Iglesya ni Cristo" na kinuha sa Roma 16:16 na sa Ingles ang kahulugan ay MGA IGLESYA NI CRISTO, ay siyang nagpapaniwala sa mga tao...


▬ PAHINA 28 ▬


Ang karamihan sa mga tao na mga taga-baryo ay madaling mahulog sa gayong aral sapagkat hindi nila nalalaman ang kaibhan ng SINGULAR at PLURAL. Ang Iglesya ni Manalo ay nagtuturo tungkol kay Cristo, sa Mahal na Birhen at kay Manalo. Ginagamit ng mga Manalista ang ngalang CRISTO para sa kanilang Iglesya at Siya'y iniaaral, datapuwa't sa katotohanan at sa gawain, higit na naniniwala't sumasamba sila kay Manalo, at pambihirang nilang banggitin ang ngalan ni Cristo maliban na lamang kung may debate at dito'y para ipaliwanag at ipagpilitan lamang ang pagkatao Niya." Sinasang-ayunan ko ang lathalaing iyon ng mga Protestante batay sa aking kaalaman at karanasan bilang ministro ni G. Manalo.

Pinuri ng aklat ng Protestante ang mabisang paraang ginagamit ng "Iglesya ni Cristo" upang mapanatili't mapatibay ang mga kasapi. Humahanga rin ako sa mga paraang may kinalaman sa pagpapatupad ng tungkulin. Ang aking mapupuna ngayon, nasa kanila nga ang kasipagan, wala naman sa kanila ang katotohanan.

Ganito ang pangangatwiran ng "Iglesya ni Cristo" tungkol sa kamangmangan ni G. Manalo, ng kanyang mga ministro at mga kaanib: "Tumututol ba kami sa puna kay Kapatid na Manalo na siya'y mangmang? Ikinahiya ba naming sabihin at malaman ng marami na ang mga ministro sa Iglesya ni Cristo ay di nag-aral? Hindi po kailanman". (Pasugo, Marso 1952). At idinurugtong pa nila: "Kami nga ay mangmang sa karunungang panlupa, marunong naman kami sa mga bagay na makalangit; marunong kami sa Biblia, sa salita ng Diyos. Hindi ba ang mga Apostoles ay mga mangmang din?".

Ganyan din ang ipinagtuturo sa akin nang ako'y nasa 'Iglesya'. Ngayon ay maaari ko nang sagutin sila ng ganito: Kung sa karunungang panlupa, sila'y mangmang, sa karunungang makalangit pa kaya maging marunong? Kung sa pantao sila'y walang kamuwangan, sa mga bagay pa kayang ukol sa Diyos magiging marunong? Isa pa,


▬ PAHINA 29 ▬


ang katuwiran nilang ito'y pamasak butas lamang, sapagkat ang mga anak din nila ay pinapag-aral sa mga paaralang bayan. Ang paghahalintulad naman ng kanilang sarili sa mga Apostoles ay isang kalapastanganan. Una, hindi lahat ng mga Apostoles ay hindi nag-aral. Ikalawa, ang mga Apostoles ay hinirang ni Cristo na sa loob ng mahabang panahon ay nagturo sa kanila. Gayon din naman, sila'y binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan at liwanag ng Espiritu Santo upang makapagturo. Subalit, kaming mga ministro, ang mga ministro sa ngayon na karamihan ay mga disipulo lamang kami ni G. Manalo saan kami kumuha ng kapangyarihan? Kay G. Manalo at sa kaniyang punong tagapagturo. Sino ang nagturo sa amin? Sila rin. Ano naman ang itinuturo sa amin? (1) Punahin ang mga aral Katoliko, akitin sa pamamagitan ng pagpintas na pawang mga lumang paraan ng pambihag sa tunay na mga kristiyano. (2) Ipaliwanag ang Biblia ayon sa kalooban ni G. Manalo at ng kalihim niya, hindi ayon sa kaisipan ng mga marurunong at banal na nangauna sa amin.

Tungkol naman sa pagtatatuwa sa pagka-Diyos ni Cristo, si G. Manalo at ang kaniyang mga tagasunod ay huwag sanang matulad sa mga taong pinarusahan ng Diyos sa paniniwalang ito: Si Herodes na inuod ang katawan, si Voltaire na matapos itatwa ang misyon ng Cristong Diyos ay sumuka ng dugo, si Nietze na tinakdaan ng mga disipulo, ang mga Hudyo na walang sariling bayan ngayon, si Julian Apostata na sumigaw sa banig ng Kamatayan, Nagtagumpay ka rin, taga-Galilea! Huwag sanang ilaglag ng Diyos ang parusang ito sa mga makabagong Hudyo na nagtatatwa sa pagka-Diyos ni Jesucristo.

Mga Paksa ng "Doctrina"

Ang ilan sa pangunahing aral na itinuturo sa kasapi ng "Iglesya," maging sa kapilya o sa mga pagpulong ay pawang paninirang-puri at pagtuligsa sa aral at gawiing Katoliko. Babanggitin ko ang mga paksa, at sa loob ng mga panaklong ay ibibigay ko


▬ PAHINA 30 ▬


ang aking natutuhang paliwanag ngayong naliwanagan na ako.

1. "Ang kahalagahan ng Salita ng Diyos." (Ipinaliliwanag ng ministro ang kahalagahan ng Salita ng Diyos na nasusulat sa Biblia. Datapuwa't sa pagpapaliwanag, walang tiyak na pamantayan siya, kundi ang kalooban ni G. Manalo o ng punong tagapagturo nila. Hindi naman sinasangguni ang mga sulat ng mga banal at marurunong sapagkat siya'y salungat at ayaw maniwala dito. Samakatuwid, kami-kami na rin ang bumabaluktot ng tunay na kahulugan ng mga talata sa Biblia.)

2. "Ang nagtayo ng tunay na Iglesia." (Aaminin ng ministro na si Cristo ang nagtayo ng tunay na Iglesia, Subalit, aniya, ang iglesya'y nawala at lumitaw noong 1914 sa Pilipinas.)

Nawala raw, sapagkat itinalikod ang mga aral ng Iglesia ng Diyos. Ipaghalimbawa lamang, baga man hindi tayo makapapayag, na nawala ang Iglesyang itinatag ni Jesucristo. Ngayon, isa sa mga pangunahing aral ng kay G. Manalong Iglesya ay ang sabihing ang "Iglesya ay Esposa ni Cristo." Mahuhulo natin ngayon na nawalán ng Esposa si Cristo simula noong ika-6 na siglo hanggang sa taong 1914. Lumalabas na "viudo" si Cristo sa loob ng mahigit na isang libong taon.

Isa pa, nawala raw ang Santa Iglesia sapagkat tinalikuran ang aral. Ipaghalimbawa uli natin, bagaman hindi tayo payag, na tinalikuran nga, nangangahulugan ba na nawala ang Iglesia? Kung talikuran mo ba ang aral ng iyong tatay, nawala ba ang tatay mo? Kung italikod mo ba ang aral at batas ng pamahalaan, tulad ng ginawa ng mga Komunista at ng ilang manggugulo sa bayan, nawala ba ang pamahalaan? Ang nawala ay yaong mga nagsialis. Ngayon, sino ang mga nagsitalikod at nagsialis sa tunay na Iglesia? Ang mga sektang kailan lamang lumitaw na ang mga nagtatag at kasapi ay galing lahat sa Iglesia Katolika ang siyang tumalikod, na pagkatapos ay sila pa ang maninirà at tutuligsa.


▬ PAHINA 31 ▬


Ang isang may malinaw na pag-iisip ay hindi matutuwa sa ganyang uri ng relihiyon. Diyos pa kaya ang matuwa?

Mababanggit din na si G. Manalo ang "anghel" na sinugo ng Diyos, at si Cristo ay hindi Diyos. Dito na nga pumasok ang paglapastangan sa Diyos salamat na lamang at ako'y hindi pinarusahan ng Panginoon sa pagtuturong hindi Diyos si Cristo. Nawala raw ang tunay na Iglesia noong ika-6 na siglo at lumitaw noong 1914. Katawa-tawa ang katuwiran ito, sapagkat lalabas na sa loob ng maraming siglo ay nawala ang Diyos, nawalan ng kaligtasan ang tao, nasira ang pangako ni Cristo na ang Iglesia Niya ay hindi mapananagumpayan ng mga pinto ng Hades. At sasangkalanin pa ang Biblia sa pagtuturong ito.

3. "Ang anti-Cristo ayon sa Pasion"; "Ang gumawa ng pagtalikod sa tunay na Iglesia"; "Ang kahalagahan ng Iglesia ni Cristo" (Ang mga paksang ito ay tatalakayin ng ministro at ang ginagamit niyang mga aklat ay mga babasahing Katoliko. Maaari ba namang gumawa ng aklat ang Iglesia Katolika upang ipansira sa sarili at purihin pa ang "Iglesya ni Cristo" ni G. Manalo na kakahapon lamang sumipot? Idurugtong na mahalaga ang "Iglesya ni Cristo." Talagang mahalaga sa ikaliligtas ng tao ang Iglesya ni Cristo na itinatag ni Cristong Diyos, hindi ang "Iglesya ni Cristo" na itinatag ni G. Manalo.)

4. "Ang tunay na pagsamba"; "Ang walang kabuluhang pagsamba." (Ang tunay na pagsamba, wiwikain ng ministro, ay ang ginagawa nila. Gaya ng nasabi ko na, ang mga gawain ay hinango o pinulot lamang sa ibang sektang kinasapian ni G. Manalo, kaya ito'y luma na. At lalong luma naman ang pagpuna sa anila'y pagsambaing ginagawa ng mga Katoliko. Upang masagot ng tiyak ang aral ng "Iglesya" dito, kailangan lamang ng isang nagsusuri ang mag-aral at maunawaan ang tunay na aral at gawain ng Iglesya Katolika. Karaniwan sa mga paratang ay bunga lamang ng hindi pagkaunawa sa itinuturo ng mga Katoliko.)


▬ PAHINA 32 ▬


Ang isang paksa ay ipinaliliwanag ng ministro, aabutin ng isang oras ang isang paksa kung matabil ang dila, sapagkat ayon kay G. Manalo, ang mahusay na ministro ay nakikilala sa kahusayan ng pagsasalita, pagpapaiyak at pagkuha ng damdamin ng nakikinig. Sa dakong huli ng indoktrinasyon, laging binabanggit ng ministro ang pagbabanta't pananakot. Sasabihin niya, halimbawa, "Baka dumating ang Cristo na kayo'y wala sa Kanyang Iglesya, kayo'y parurusahan sa dagat-dagatang apoy. Kaya manatili kayo dito sa ating Iglesia, mga kapatid". Pagkatapos ng pagdodoktrina ang kapatid ay maituturing nang bahagi ng 'Iglesya'. Susunod na siya sa lahat ng utos at tagubilin maging sa pagkain, pag-inom, pagsamba, pag-aabuloy, o sa pulitika. Hindi na siya maaaring sumalungat o tumutol nang hindi siya babantaan. Ang kanyang isip at kalooban ay mawawalan na ng laya. Ito'y napatunayan nang ipagbawal sa mga "kapatid" ang pag-inom ng SEVEN-UP, at tuwing halalan ay lalong nahahayag ang kawalang laya ng mga "kapatid".

PAGBABAGO NG MGA ARAL

Maraming mga aral at gawain ang nabago simula nang ako'y maging ministro ni G. Felix Manalo hanggang sa kasalukuyan. At natitiyak kong marami pa ring babaguhin, lubha pa kung mamatay na si G. Manalo. Hindi lamang mababago, kundi, batay sa kasaysayang aking napag-aralan, gugulo at magkakawatak-watak ang "Iglesya ni Cristo" palibhasa'y kaming nagsimula nito ay mga tao lamang.

Mga Pagbabago:

1. Nang ako'y pumasok sa "Iglesya ni Cristo" noong 1918, at ilang taon pa pagkataos nito, wala akong natatandaang aral namin na si G. Manalo ay "anghel" ng Diyos. Ang nalalaman ko lamang, lahat kaming mga ministro ay nagpaparangalang "hinirang ng Diyos"


▬ PAHINA 33 ▬


sa dahilang kami'y nangangaral tungkol sa Diyos at sumusunod sa Kanyang Banal na Aklat. Subalit simula noong 1923 bigla ko na lamang tinanggap ang aral, at siya ko namang iniaral sa iba, na si G. Manalo ay "anghel". Ito'y pagkatapos na siya'y manggaling sa Amerika at nang magkaroon ng bagong sekta na "Tunay na Iglesia ni Cristo" ni G. Teofilo D. Ora na dati niyang ministro dahil sa pagtatalo tungkol sa iglesia.

Hindi ko matandaan ang tiyak na araw. Naaalala ko lamang na kasama ko noon sina Teodoro Santiago, Justino Casanova, Norberto Cruz, Federico Inocencio, Ricardo Victorio at iba pa pagkatapos ng isang pagbabautismo sa Catmon, sakop ng Malabon, Rizal. Kami ay tinipon sa bahay ng isang Simon Rosendo na biyenan ni Feliciano Gonzales, isa sa orihinal na 18 ministro. Dito pinasimulan ang pagtuturo ni G. Manalo na siya ang "anghel na umaakyat sa sikatan ng araw" ayon sa Apocalipsis 7:2-3.

Ang bagong aral na ito ay hindi itinuro simula noong 1914 (taon ng pagkakatatag sa "Iglesya") hanggang sa 1918 (nang ako'y maging kaanib) at hanggang 1922.

2. Ang unang mga taon ng aming kilusan ay nakakita pa ng mga ministrong nakasuot nang mahaba. Ang dahilan sa abot ng pagkakaalam ko, ay sapagkat ito ang nakikita naming suot ng mga ministrong protestante; subalit pagkaraan ng ilang panahon, inalis na rin ito sa mga ministro. Ang dahilan, ay ang pagtuligsa namin sa mga pari. Ang mga paring Katoliko ay tinutuligsa namin bilang "mga lobong nakasuot tupa." Binabatikos namin ang pagsusuot ng sutana. Hindi nagtagal, napansin namin na ang paninira pala namin ay sa amin ding sarili tumatama, kaya ipinaalis na ang pagsusuot nang mahaba sa amin. Ang sabi naman ng iba, magastos daw at sagabal ang pagsusutana kaya umayaw na sila.

3. Ang malaking pagbabagong natatalos ng mga matatandang kasapi ng "Iglesya" ay ang araw ng pagsamba.



▬ PAHINA 34 ▬


Noong una, wala kaming pagsamba kung Huwebes. Datapuwa't simula noong 1922 biglang nagkaroon ng pagsamba sa araw ng Huwebes. Ako man noon ay payag sa pagdaragdag ng araw ng pagsamba, sapagkat alam naming lahat na ito'y karagdagan din sa abuluyan.

4. Nang magkaroon na ng dalawang araw na pagsamba, pinag-igi naming lalo ang abuluyan. At naging kasabihan nga sa "Iglesya ni Cristo": "Huwebes de bagol, Linggo de bilyon." Yaong mga hindi nakapagbibigay at natatalang may utang, ay nagsialis tuloy, hindi na sumamba, at tumiwalag. Kaya, ang sapilitang abuluyan ay inalis din. Samakatuwid, hindi na angkop sa kasalukuyan ang "Huwebes de bagol, Linggo de bilyon."

5. Noong araw, ipinagbabawal din namin ang alahas at iba pang karangyaan. Ngayon ay hindi na bawal ang lahat ng ito, sapagkat ayon na rin sa sinabi sa akin ni G. Manalo, "paano yaong mga may kaya sa buhay at ang bagong kumbertido?" Nakapag-aalahas na't palamuti sa katawan ang mga "kapatid" ngayon.

6. Kami rin sa pasimula ay sumusunod sa liham ni San Pablo sa mga taga-Corinto (1, 14:34) na aniya: "Ang mga babae ay nararapat tumahimik sa simbahan." Kaya, kaming mga nagpapalaganap ng "Iglesya" ay pawang mga lalaki. Subalit ngayon, ang mga babae ay maaari nang makapangaral, magturo at magpayo sa bahay-bahay at sa mga umpukan.

7. Noong una rin, malaking-malaki ang paniniwala namin kay Cristong Manunubos. Ipinangangaral namin na ang kaligtasan ay nasa Kanya lamang, subalit ngayon lumalabas na higit ang paniniwala ng mga kasapi kay G. Manalo kaysa kay Cristo. Sa katunayan, kahit sa pag-inom ng SEVEN-UP at pamimili ng mga kandidato ay napapailalim ang lahat ng kalooban sa kagustuhan ni G. Manalo at ng kaniyang punong tagapagturo. Noong araw, kami'y hindi nakikialam sa pulitika o sa kung ano ang dapat naming inumin o kainin.


▬ PAHINA 35 ▬


Ngayon, iba na ang palakad, hawak na lahat ang kalooban at "pisil sa ilong" ang mga kasapi, walang laya, walang karapatang sumalungat, sunud-sunuran na kahit sa pulitika, gayong marami sa mga kasapi ang hindi marunong sumulat.

8. Ang unang tinutuligsa namin ay ang pagsamba sa larawan. Kapag tinutugon kami, na ang mga Katoliko ay hindi naman sumasamba kundi gumagalang lamang sa mga larawan, ipinagpipilitan naman namin na kahit na ang paggawa ng larawan ay ipinagbabawal ng Diyos. Kaya, sa aming kapilya ay walang makikitang ano mang larawan. Subalit ngayon, nagbago na rin ang aral na ito ng "Iglesya ni Cristo." Ngayon, maaari nang maglagay ng larawan, huwag lamang daw sasambahin. Kaya, ako'y nagtaka't binabatikos pa hanggang ngayon ang mga Katoliko tungkol sa larawan, gayong sa "Iglesya" ay hindi na bawal ang gumawa niyon! Sa isang liham ng kalihim ni G. Manalo, si G. Teofilo Ramos, sa isang ministro, si Zosimo Pangan, maliwanag na sinasabi ang pagbabagong turo tungkol sa larawan. Naito ang patunay:

TANGGAPAN NG IGLESIA NI CRISTO 
154 Riverside, San Juan, Rizal

Marso 11, 1954

Kapatid na Zosimo Pangan,

Natanggap po ng Kapatid na Manalo ang inyong sulat sa kanila at dahil dito ay kanilang ipinasagot sa akin.

Totoo po na nasusulat sa Biblia (Exo. 20:3-5) na bawal gumawa ng larawan, na paglilingkuran, yuyukuran at sasambahin. Totoo rin po na gumawa pa lamang ng larawan na ang layunin sa paggawa ay upang sambahin na parang Diyos ay kasalanan na. Datapuwa't hindi naman masama ang lahat ng paggawa ng larawan kung ang mga ito'y hindi naman sinasamba o pinaglilingkuran.


▬ PAHINA 36 ▬


Halimbawa ay gaya ng ating larawan. Ang totoo'y sa Biblia ay may banggit na nasa Exo. 25:18, na ang Diyos ay nagpagawa ng dalawang kerubin, datapuwa't hindi para sambahin. Ang mga larawan ng tupa at ibon sa ating kapilya ay hindi para sambahin kundi bilang dekorasyon lamang ay may sinasagigan. Walang kasalanan dito.

Ang sinasabing bahagyang naligtas ay tiyak na ligtas. Na bagaman maaaring may pagkukulang o kasalanan ay tinakpan na ng Diyos katulad ng nasusulat sa Rom. 4:7-8. Sila'y tiyak na nasa Bayang Banal. Ang mga taong hindi dapat maligtas ay gagawan ng Diyos ng paraan upang ipaubaya sa paggawa ng kamalian upang sila'y mahatulan (II Tes. 2:10-12).

Ang diablo ay nakapupunta sa iba't ibang dako maging sa langit, katulad ng inyong mababasa sa Job 1:6. Kaya't maaaring makapunta rin sa kapilya, sapagka't siya'y espiritu. Lamang ang kailangan sa atin ay hindi tayo dapat patukso sa Diablo.

Salamat sa inyong pagtatanong, kapatid na Zosimo, at nawa'y maging malinaw ito sa inyo. Magtanong pa kayo kung mayroon kayong suliranin. Ang mga ministro ay aming papayuhang mag-ingat ng pagsasalita.

ang inyong kapatid kay Cristo,
TEOFILO C. RAMOS

Ang kapilya pala ay maaari nang magtaglay ng larawan ng ibon at tupa. Kung gayon, higit na mabuti ang sa Iglesya Katolika, sapagkat ang nakalarawan sa mga simbahan ay mga taong banal, samantalang sa "Iglesya ni Cristo" ay larawan ng mga hayop ang nakalagay. Ang sapantaha ko, kapag namatay si G. Manalo, ang mga ministrong bumabatikos sa paggawa ng larawan ay baka mag-unahan pa sa paggawa ng larawan niya.


▬ PAHINA 37 ▬


9. Ipinagbabawal din naming mga ministro ang pangungutang. Sa katunayan, si G. Manalo ay may palibot-sulat na nagsasabing "ang mangutang at magpautang ay ititiwalag kailan man sa Iglesia." Ngayon, hindi na bawal ang mangutang, basta raw magbabayad lamang. Katwiran na kaya 'yan?

10. Noong una, kaming mga kasapi ay mayroong Paghuhugas ng Paa ayon sa nasasabi sa Ebanghelyo tungkol sa Huling Hapunan ng ating Panginoon. Datapuwa't ngayon, wala na ang Paghuhugas ng Paa. Idinugtong pa ng ilan na ang Paghuhugas ng Paa'y makababalam sa pagsamba o paghuhulog ng abuloy. Maliwanag na pakapa-kapa, patantya-tantya ng aral at gawain ang pamunuan ng "Iglesya ni Cristo".

11. Marami ring mga ministro na itinitiwalag. Ang mga kasapi ay pinagbabawalang makipag-usap sa kanila o makitungo sa kanilang kamag-anak. Hindi makakristyano ang patakarang ito, sa palagay ko, sapagkat tinuturuan ang mga walang malay ng pagkapoot sa kapuwa. Ang mga ministro o kasaping lumayas ay pinangangalanang "kampon ni Satanas." Gayon man, may mga pagkakataong tinatanggap na muli ang nagsialis sa kanila. Isang halimbawa ay si Ministro Andres Tucker na ilang beses na itiniwalag at ilang beses ding tinanggap na muli. Ang pagkamatay ni G. Manalo at ang pabagubagong mga aral at gawain at ang pagsunod sa panahon ay siyang magtatakda ng pagkakabuwag ng "Iglesya ni Cristo."

Ayon sa aming turo, ang tumiwalag sa "Iglesya ni Cristo" ni G. Manalo ay mga diablo o kampon ni Satanas at hindi maliligtas. Sina J. Balmores at Andres Tucker ay mga ministro ring katulad ko. Sila'y pinalayas sapagkat may mga katiwaliang ginawa sila, ayon kay G. Manalo, sa "Iglesya." Pagkaraan ng ilang panahon, sila'y tinanggap na muli sapagkat mabuti na raw. Samakatuwid, sumama sila sa loob ng "Iglesya" at bumuti sila sa labas nito. Kung nasa labas, mabuti, pag nasa loob masama. Saan ngayon ang dahilan ng pagiging "diablo"?


▬ PAHINA 38 ▬


MGA PARAAN NG PANG-AAKIT AT PAGPAPANATILI SA MGA KASAPI
▬oOo▬

Pang-aakit

Nais kong isalaysay ang mga paraan ng pang-aakit at pagpapanatili sa mga kasapi sa "Iglesya ni Cristo" upang magbigay babala sa mga Katolikong walang malay pa sa pananalita ng mga ministro. Ang mga paraang ito na isinagawa ko rin sa aking pagiging ministro ay maitutulad natin sa ginagawang pang-akit ng mga ahente ng sabon, ng mga pulitiko at ng mga Komunista.

Pambihira at mabibisa ang mga paraan. Inuuna muna ang mabuting pakikisama. Ang isang manggagawa sa "Iglesya" ay nakikihalubilo sa mga inaakala niyang maaari niyang maakit. Babatiin ka, dadalaw sa iyo, babanggit ng mga bagay na akala nila'y mabubuting pangyayari sa "Iglesya", hindi nagsasawang makipag-usap sa iyo. Bawat sandali ng pakikipag-usap tungkol sa "Iglesya" ay ginintuan.

Sariwa pa sa aking gunita, na si G. Manalo na rin, bukod pa sa kaniyang mga ministro, ay madalas makadalaw sa amin noong bago-bago pa lamang akong inaaralan. Subalit, nakalulungkot ipagtapat, ang pagtingin bilang kapatid na ito ay naggagawa lamang samantalang nakasasamba pa't nakapag-aabuloy ang isang kasapi. Kaya tuloy, minsan ay napagsabihan ako ng isang kasaping tumiwalag: "Mahal ka lamang pag malakas at mayroon; wala ka nang halaga pag di-sumasamba't di nag-aabuloy. Masama ang tingin sa iyo kapag humiwalay, di ka kakausapi't tila pinandidirihan."

Ang malungkot na pangyayaring ito'y naranasan ko rin sa aking sariling angkan. Nang malakas pa ang aking ina, siya'y madalas dalawin ng mga manggagawa. Ang mga dumadalaw ay walang tigil sa pangangaral, pagpapayo hanggang sa inaabot ng hatinggabi.


▬ PAHINA 39 ▬


Nang siya'y nakasasamba pa't malakas mag-abuloy, parang tunay na kapatid ang pagtingin sa kanya. Nang siya'y tumanda na't nagkansasanla pa ang bahay, walang nagkawang-gawa man lamang sa kanyang kalagayang maralita. Ang biyenan kong lalaki ay naging biktima rin ng gayong "pagmamahal ng Iglesia." Nang siya'y nabubuhay pa, masunurin siya't malakas ding mag-abuloy at sinasabing matibay daw ang kanyang pananampalataya. Nang siya'y mamatay noong 1949 tila siya'y isang salarin; walang ministrong nakipaglibing; wala ngayong bumabati o nakikipag-usap sa amin.

Upang makapagpalaganap ng "Iglesya," ang mga "kapatid" ay inaatasang makipag-usap sa iba. Halimbawa, ang mga tsuper ay sa kapuwa tsuper, tindera sa tindera, labandera sa labandera, trabahador sa trabahador, kawani sa kawani. Sila'y hindi nag-aatubili, walang delikadeza. Sa oras ng trabaho, babanggit sila ng kanilang aral. Pupunahin din ang mga aral Katoliko. Bawal, aniya, ang magdasal ng paulit-ulit, bawal ang sumamba sa larawan; si Cristo, aniya, ay hindi Diyos sapagkat may buto't may laman; si "kapatid na Manalo ay "anghel" at tunay na kaligtasan, aniya, ay nasa "Iglesya ni Cristo." Kapag ang kausap ay marunung-runong sumagot at magpaliwanag, ang baguhang nang-aakit ay mag-aanyaya na lamang sa kanilang kapilya, upang doon ay makapakinig ng aral ng ministro. Kapag kaya ng isang kasapi ang inaakit, siya'y magpapatuloy sa pagpapaliwanag. Ako man, noong ministro pa, ay nakapapansin na ng katusuhan ito, sapagkat kami ay nag-aanyaya, subalit kapag kami ang inaanyayahan sa pulong Katoliko, hinding-hindi kami papayag.

Isang patakaran naming mga ministro ang magpapulong nang laging maraming tao. Sa kasalukuyan, lalo na, walang magaganap na debate kung wala rin lamang mahahakot na mga kasapi upang makinig ng pulong. Ito ay isang paraan ng pang-aakit at pantawag pansin.


▬ PAHINA 40 ▬


Hindi ko pa nalilimutan ang isang kampanyang ginawa sa Dagupan City. Si G. Manalo ay nagpareserba ng tren na nilagyan ng mga kartelon ng "Iglesya ni Cristo." Marami ring trak pampasahero ang inupahan. Si G. Manalo naman ay lulan ng isang kotse na may "escort" na motorsiklo. Ang mga taong madaraanan ay magugulat nga naman at wiwikain: "talagang malago't matibay ang Iglesia." Ang mga daratnang tao sa papulong ay hahanga rin; sila'y magmamasid tuloy at dadalo sa pagtitipon. Yaong mga Katoliko, Aglipayano o Protestanteng mahihina ang loob ay maaari naming maakit. Sa kabila ng lahat, hindi rin gaanong nagtagumpay ang kampanyang yaon. Sila-sila ring hinakot na mga kaanib ang nagsidalo.

Gayón din naman, kung si G. Manalo ay nagtutungo sa ibang bansa, marami sa aming mga kasapi ang hinahakot sa trak upang maghatid sa paliparan. Dadagsa rin ang mga taong magmamasid. Kung ang pulutong ng mga taong lumiligid kay G. Manalo ay makunan ng larawan at malathala sa pahayagan, sasabihin nga naman na kami nga ay lubhang marami. Pati na ang mga pulitiko ay mabibighani. Sa katunayan, maraming mga pulitiko ang lumalapit kay G. Manalo upang hingin ang boto ng mga kasapi, sapagkat batid ng mga kandidato na pisil niya sa ilong ang mga kaanib.

Madalas ay ipinandadangal namin na kami ay may milyon-milyong kasapi. Ako na ang magtatapat na pinapalabisan lamang namin upang kami'y lalong makaakit. Walang makapagsasabi kung ilan talaga kami. Tunghayan na lamang natin ang "Statistical Handbook of the Philippines ng 1952, pahina 14, nakatala ang sensus ng relihiyon sa Pilipinas na ganito ang hanay:

Roman Catholic

82%

15,941,122

Aglipayan

7.6%

1,456,174

Mohammedan

4.1%

791,817

Protestant

2.3%

444,491

Pagan & no religion

1.8%

353,642

“Iglesya ni Cristo”

0.5%

88,125



▬ PAHINA 41▬


Inaamin kong naragdagan pa ang mga kasapi sa "Iglesya" simula nang gawin ang sensus, subalit inaakala kong hindi aabot sa dalawang milyon silang lahat. At kung naragdagan man, marami rin ang nagsialis buhat nang tumiwalag ang ilang ministrong hindi nakasundo ni G. Manalo, tulad nina Teodoro Santiago, Pineda, Canlas, Gonzales, atbp. Kaya, ako'y nagtataka sa ilang pulitiko na lumalapit kay G. Manalo upang hingin ang boto ng mga kaanib. Saksi ang kasaysayan na ang mga kandidatong hayagang nilang tinatangkilik ay nangatalo. At kung may kandidatong nanalo na kanilang tinangkilik, ito'y hindi dahil sa kanila lamang, kundi dahil din sa maraming Katolikong malaya sa pagboto. Isang bagay na hindi mapanghaha-wakan sa halalan: marami sa mga kasapi sa "Iglesya" ay nasa baryo at marami rin sa kanila ang hindi marunong sumulat.

Kaming mga ministro ay sinanay sa pagbasa't pagbuklat ng Biblia. Ito ay isang paraan din upang ipanggulat sa mga tao. Ang nangyayari nga lamang, may mga pagkakataon na nakakatagpo kami ng mga nag-aral. Pag kami'y tinanong tungkol sa mga wikang ginamit ng ating Panginoon at ng mga Apostoles, hindi na kami makasagot. Ang gagawin naman namin ay dadaanin na lamang sa bilis ng pagsa-saulo ng mga talata at katulinan sa pagbuklat ng Bibliya bagaman batid namin na ang Bibliang hawak namin ay isinalin at inayos ng mga Protestante. Ito ay isa ring paraan ng pang-akit namin sa mga walang malay at di-gaanong nag-aral.

Ang panggugulat naming mga ministro ay ibinunyag na rin ng mga taong matatalino. Kaya, ang isang mahilig sa pakikipagpaliwanagan na mapaharap sa isang ministro ay nararapat mag-ingat. Karaniwang ibinubungad ng ministro ay ito: "Lalaban ba kayo ng debate?" Kung magugulatin ang kausap, matitigilan siya, hanggang sa mapahiya sa mga nakikinig. Ang mga kasapi sa STUDY CLUB ng Peñafrancia, Maynila at "St. Peter's Men's Society" ay madalas makatagpo ng mga ministrong nanggugulat. Maraming ulit na silang nahaharap sa mga ministrong gayon ang pagtatanong.


▬ PAHINA 42 ▬


Sumasagot sila ng "Oo, lalaban kami." Palibhasa'y nahalata ng ministro na tila nga higit na marunong ang kausap, sumasagot ang ministro ng ganito: "Teka muna, hihingi muna ako ng pahintulot sa aming oficina central... pag-usapan muna natin ang tema." Hindi isasagawa ang debate sa sandaling yaon sapagkat hindi tumalab ang panggugulat. Hindi rin matutuloy ang "debate" nang walang mga hinakot na kasapi.

Ang paghamon sa mga pari sa isang debate ay isa ring paraan naming mga ministro, Mabuti rin naman at hindi kami pinapatulan ng mga pari sapagkat kung baga sa sugal, hindi papayag ang isang may puhunan ng isang daang piso na pumatol sa isang naghahamong ang puhunan ay singko sentimos lamang. Isa pa, kaming mga ministro sa "Iglesya" ay kayang-kaya na ng sino mang may kaunting pinag-aralan. May kasabihan, "kung maggigisa na sa kawali, ano't hahanap pa ng talyasi?"

Ang isang kasapi sa "Iglesya" ay maaaring makipagtalo kung kaya niya ang kausap. Kapag hindi na kaya, maraming mga dahilan ang ihaharap. Naroong bawal sa sino mang duluhan ang makipagtalo; naroong gumawa ng gulo ang mga kasama; naroong hataking umuwi ang "kapatid." Ang totoo, makakagalitan lamang kami kapag kami'y nagipit. Kapag naman inaakala naming madadaig namin ang kausap, hindi na bawal ang makipagtalo.

Pagpapanatili sa "Kapatid"

Upang mapanatili naman ang mga kasapi, ibinabalita namin sa mga kaanib na sa lahat ng debateng nagaganap, kami'y laging nananalo. Ang bawat kampanya ay sinasabing matagumpay. Bagaman may kasinungalingan ang mga ito, ang paraan ay mabisa upang lumakas ang loob at huwag magsilayas ang mga kasapi.

Masasabi kong tulad ng sa Komunista ang paraan ng pagpapanatili sa mga kasapi, sapagkat unang-una, hindi sila pinahihintulutang mag-alinlangan; at pangalawa, ang aral at tagubilin ay inuulit-ulit


▬ PAHINA 43 ▬


hanggang sa ito'y matanim sa isip. "Brainwashing" ang katumbas nito sa Ingles, sapagkat may halong pananakot sa "dagat-dagatang apoy." Ganito ang paraan:

Bubuklatin muna ng ministro ang Biblia at tutunghay sa Mga Gawa 5:1-6. "Si Ananias at Saphira," aniya, "ay nag-alinlangan, at nagsinungaling. Pinarusahan sila ng Diyos. Ibig ba ninyong matulad sa kanila?" Natural ang kawawang kaanib ay maniniwala agad, matatakot maparusahan, kahit hindi lubos na nauunawaan ang ipinagkasala ng mag-asawang nabanggit. Pagkatapos ay susunod ng ministro ang nasa San Mateo 24:13 at kanyang wiwikain: "Ang manatili ay maliligtas. Kaya, huwag na kayong aalis sa iglesyang ito." At lulubusin ng ministro ang pananakot: "Nasa Mateo rin, 25:30, ang hindi manatili ay dadalhin sa parusahang walang hanggan, sa dagat-dagatang apoy."

May mga pagkakataon pang ang ministro'y mag-uutos na pasumpain ang mga sumasamba, taas ang kamay at pinagdidiinan ang pangakong hindi na aalis sa "Iglesya". Wiwikain ng ministro:

"Diyos lamang ang dapat sundin, hindi ang ating kasama o kaibigan. Tayo ay laging sasamba tuwing Linggo at Huwebes, sapagkat ito ang pananampalataya, ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos. Tayo ay alipin ng Diyos. Kung hingiin niya ang ating buhay, hindi tayo tututol. Kaya, (itataas na ang kamay at mag-iyak-iyakan pa ang minis-tro, napapasuod naman ang kasapi) ako ay nangangakong hindi uurong, katulad ni Cristo at ng mga Apostol na hindi umurong. Ako'y susunod sa Diyos hanggang kamatayan. Ako'y hindi uurong sukdulang usigin at patayin ng kalaban. Ako ay mananatiling tapat sa lyo, Panginoon."

Sa loob ng 15 o 20 gabi, ganyan na ganyan ang "brainwashing" na ginagawa sa bagong kasapi. Kapag natapos ang indoktrinasyon, ang kapatid ay tatawagin nang "matibay" at nasa "kaligtasan".


▬ PAHINA 44 ▬


Ang kanyang isip at puso ay tigib na ng aral ng "Iglesya" at himala lamang kapag siya'y tumanggap ng paliwanag o tumalikod sa paniniwala pagkatapos ng "brainwashing."

Tama ang kasabihang magdadaan sa butas ng karayom ang pagbabalik loob ng isang kasapi sa "Iglesya". Sino mang maanib dito na laging sumasamba't tumatanggap ng "brainwashing" ay mapag babalik loob lamang sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at panalangin ng mga Katoliko, hindi sa pamamagitan ng paliwanag.

Ang isang Katoliko na hindi naman nagsisimba, hindi lumalapit sa mga sakramento at nananatiling Katoliko lamang sa ngalan, ay malayong makaakit ng isang "kapatid sa Iglesya" kahit na anong dunong niyang magpaliwanag. Ang pagbibigay ng halimbawa sa tungkuling Katoliko at ang tapat na panalangin ang lalong mabisang paraan upang manumbalik ang naliligaw na mga kapatid natin. Maaari lamang manumbalik ang isang kasapi dito kung siya'y wala nang ikasunod sa pag-aabuloy, o nais na niyang maging malaya sa pag-iisip at pagkilos o natitiis na siya ng isang libo't isang kahirapan sa buhay.

Ang paliwanag at pangangatwiran naming mga ministro ay ipinagpipilitan namin sa mga kasapi. Sa gayon, mapananatili sila sa "Iglesya". Kapag ang isang kaanib ay tumutol o sumalungat o nakaligtaang sumamba, siya'y bibigyan agad ng babala, dadalawin at pangangaralan. Kapag hindi siya nakinig, ituturing siyang "alipin ng demonyo." Ipagdidiinan pa ng ministro: "Kung wala sa Iglesya ni Cristo, ikaw ay hindi sa Diyos. Kung hindi ka sa Diyos, ikaw ay sa demonyo. Kaya, sumunod ka na lamang! Huwag ka nang tumutol kung ayaw mong mapasademonyo." Idurugtong pa ng ministro: "Ayon sa Banal na Kasulatan, ang hindi nagbubunga ay puputulin at itatapon sa apoy na walang hanggan." Lubos na ang pagkatakot ng kasapi. Hindi na siya makaaalis. Mapipilitan na ang kanyang loob, kahit mabigat sa puso niya. Tunay na ang isang kasapi ay walang laya, walang sariling kalooban, alipin ang pag-iisip at pagkilos.


▬ PAHINA 45 ▬


ABULUYAN

Naisalaysay ko na, na noong una ay wala pang pagsamba kung Huwebes. Nang magkaroon ng ikalawang araw ng pagsamba, lumakas ang abuluyan. Sa kasalukuyan ay wala na ang sapilitang pagbibigay. Ang mga bagong-kaanib ay walang malay sa pagbabagong ito. Ang abuluyan ay ginagawa sa ganitong mga pagkakataon:

-Tuwing may pagsamba.

-Tuwing matatapos ang taon. Ang abuloy ay inilalagay sa sobreng may sulat sa ibabaw. Ang mga "kapatid" na tumanggap ng aral ay ubos kaya sa pagbibigay sapagkat walang itinakdang halaga. Ang nasa arkansya ay ilalabas. Ang inipong salaping bunga ng pawis at hirap ng mga labandera, tindera, kawani, manggagawa, magsasaka, tsuper at iba pa, ay aalisin na rin sa pagkakatago.

-Tuwing katapusan ng buwan, "payday". Kahit hindi sapilitan, ang mga kaanib ay nag-aabuloy din sapagkat lumalabas na "mas malaki ang abuloy sa Diyos, mas malaki rin ang pananampalataya."

-Sa bawa't paghahandog ng bata. Ang mga bata sa "Iglesya" ay hindi inilulubog, kundi inihahandog muna sa Panginoon gaya ng ginagawa ng mga Hudyo. Nagbibigay ng abuloy na nasa sobre sa paniniwalang ang paghahandog ng bata ay kalugud-lugod sa Diyos kung may kalakip na handog.

-Tuwing sumasapit ang kapanganakan ni G. Manalo (ika-10 ng Mayo). (Pati mga pulitiko ay nakikigaya na!)

-Tuwing may ipagpapasalamat ang angkan, tulad ng paggaling ng isang maysakit, pag-aani nang sagana, at iba pa.

-Tuwing may tanging abuluyan.


▬ PAHINA 46 ▬


Ang lahat ng nalilikom ay ipinadadala sa Oficina Central ng "Iglesya ni Cristo." Sa mga paraang ito ng abuluyan, hindi kataka-taka na ang "Iglesya" ay makapaggawa ng malalaking kapilya. Ang mapapansin lamang, ang "Iglesya" ay hindi mapagkawanggawa tulad ng ibang relihiyon, na sa bawat may kilusan ukol sa mahihirap, sa mga nasalanta at sa mga maysakit ay laging nakikisama. Ang mga iniaabuloy ay nalalaman ng mga ministro at ni G. Manalo na rin, datapuwa't ang kabuuang halaga na napapasakamay ni G. Manalo at ng kanyang anak ay walang makaalam. Minsan nga, isa sa aming mga ministro ang nagtanong tungkol dito at siya ay kinagalitan lamang.

Ang paraang mabisa upang magbigay ang mga kaanib ay nagaganap sa kapilya. Ang ministro'y nangangaral at babanggitin niya ang Diyos, ang Biblia at ang "sugong" Kapatid na Manalo. Natatandaan ko, ganito humigit kumulang ang pangangaral naming mga ministro:

"Mga kapatid, tayo ay nilikha ng Diyos. Masdan natin ang ating kalagayan. Hindi ba't tayo'y nabubuhay pa? Ang lahat ng nilikha sa ating paligid-ligid ay pawang galing sa Diyos. Paano natin matatapatan ng salapi ang kabutihang ito? Hindi kayo pinipilit, subalit, alalahanin naman ninyo, tayo na rin ay galing sa Diyos. Kaya, kahit magkano ang ating ibigay sa Kanya ay kulang pa rin."

Ang mga kasapi ay nakahanda na sa kanilang paghuhulog ng abuloy. Isang awit na pampalakas ng loob ang inaawit at sa tulong ng paliwanag, ganito ang nagiging aral: huwag kayong maging kuripot sa Diyos, pinagpapala sa langit ang nagbibigay. Ito ay hinahaluan pa ng mga panangis at hagulgol upang masabing "malakas ang espiritu ng pagsamba ngayon." Sa aking pangangasiwa, ako'y nangangambang makagalitan kapag walang malakas na iyakan at sigawan at kapag mahina ang abuluyan. Kaya, tuwing magsisimula ang pagsamba, tinitingnan ko muna ang kabuuang halaga ng nalikom noong nakaraang linggo, at hindi ko pinapayagang lumiit ang susunod na malilikom.


▬ PAHINA 47 ▬


Natutuhan naming mga ministro ang sinasabi sa Hebreo 10:38, na ang lingkod ng Diyos ay hindi uurong, sapagkat ang umurong ay hindi kalugdan; kaya ang abuluyan ay hindi rin dapat na umurong: kailangan ay laging pasulong.

Sa ibang pagkakataon, kaming mga ministro ay bumabasa muna sa Biblia. Bubuklatin ang Unang sulat ni San Juan, 5:3 at ipaliliwanag na ang umiibig sa Diyos ay tumutupad sa Kanyang mga utos. Pagkatapos ay kukunin ang nasa Mga Gawa 20:35 na aniya'y "higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap". Babaling sa Ikalawang sulat ni San Pablo sa mga taga-Korinto, 8:3 at sasabihing "higit pa sa kanilang kaya, sila'y nagsiabuloy." Ano pa't sa pagbubuhul-buhol ng mga talata, palalabasing ang isang tunay na kapatid ay hindi dapat maging kuripot sa pagbibigay. Tatapusin ng ministro ang paliwanag: "Ang umiibig sa Diyos ay nakahandang magpakasakit. Ang pagpapakasakit ay ang paghahandog ng lahat ng makakayanan."

Hindi sapilitan ang pag-aabuloy sa Iglesia. Basta makikita sa mga kasapi na ang abuluyan ay isang "doktrinang hindi maiwasan." Ang ministrong magaling magpaliwanag ay makakapukaw na higit pa sa "Huwebes de bagol at Linggo de bilyon ay maibigay ng isang kasapi. Kaya, may mga kasapi na nakapagbibigay ng limang piso sa loob ng isang linggo, at kung matatapos ang taon, hindi kayo makapa niwala na ang isang kasapi ay makapag-aabuloy ng dalawang daang piso o higit pa.

Hindi ba pambihirang "brainwashing" ang nagaganap sa "Iglesya ni Cristo" tungkol sa "abuluyang hindi sapilitan"?

PANAWAGAN

Sa mga kasapi pa sa "Iglesya ni Cristo"

Matagal na rin namang nagpapakalabis tayo sa pagpuna, pagpintas at pagtuligsa sa mga aral at gawang Katoliko.


▬ PAHINA 48 ▬


Kung gagamitin lamang natin ang ating kalayaan sa pag-iisip, at hindi tayo paaalipin sa bawat ituro ng mga ministro, hindi kaya natin mahuhulo na ang "Iglesya ni Cristo" ay hindi sa Diyos? Kakaibang relihiyon 'to na nabubuhay sa pagsira sa iba, hindi ba?

At tatanggapin naman kaya ng ating malayang kaisipan na ang lahat ng wala sa "Iglesya" ay mga kampon ni Satanas? Kung gayon, kasama na rito ang ating mga magulang, ang ating mga ninuno, mga kamag-anak, ang mga marurunong, mga banal at mga dakilang tao na pawang mga Katoliko, at kayo lamang ang tama, gayong kahapon lamang sumipot ang iglesyang pinatatag namin ni G. Manalo?

Ako ay isa rin sa lumason ng isip ng mga "kapatid sa Iglesya," ang mga ministro ninyo ngayon ay mga duluhan ko lamang noong araw, at ayon sa nabatid ninyo sa salaysay, si G. Manalo kailan man ay hindi magiging "sugo" ng Diyos dahil sa nalantad na buhay niya.

Ang tunay na iglesya ay itinatag ni Cristo noong taong 33 sa Jerusalem, kumalat sa Roma hanggang sa lahat ng dako ng daigdig at pinangakuan ni Cristo na hindi mapananaigan ng impiyerno sapag-kat Siya na rin ang makakasama "hanggang sa katapusan ng mundo." (San Mateo, 28:20). lyan namang kinaaaniban ninyo ay itinatag ni G. Manalo noong 1914 dito sa Pilipinas. Hindi ba kayo "pasuba sa agos" sa pagtungo sa Roma at Jerusalem? Ang mga taong higit na marurunong at banal kaysa atin ay naniniwalang Diyos si Cristo dahil sa mga himalang Kanyang ginawa at dahil din sa mga salita Niya. Sino na sa mga ministro ninyo ang dinakila ng ating bayan sa karunungan, pagkakawanggawa o kabanalan upang sila'y buong pusong panaligan? May sweldo sila, katulad ko noong araw, kaya gayon na lamang ang kanilang pagtingin at pangangaral sa inyo. Kaya huwag kayong madala ng kanilang pag-aaral sa Biblia. Higit sa karunungang iyan ay matatagpuan ninyo sa Iglesyang inyong tinalikdan. Huwag kayong mabighani sa mga malalaking kapilya,


▬ PAHINA 49 ▬


sapagkat higit sa ganda, laki at halaga ng simbahan ay matatagpuan ninyo sa relihiyong kinagisnan ng inyong mga magulang. Pagkakataon na ninyo ngayong gamitin ang inyong kalayaan sa pag-isip. Mag-suri pa kayo at huwag ninyong ilagak ang buong pag-asa sa mga ministrong maaaring nahihigitan pa ninyo sa karunungan at kabanalan.

Simula nang kayo'y sumapi sa "Iglesya", hindi ba't kung tutuusin ang inyong naiaabuloy ay higit na makapagpaaral kayo ng inyong mga anak? Nagpakahirap kayo sa paghahanapbuhay, ano naman ang naitulong sa inyo sa gitna ng inyong paghihikahos at pangangailangan?

Halos lahat sa inyo'y mga binyagang Katoliko. Ang pagkakasapi ninyo riyan sa Iglesya ni G. Manalo ay bunga lamang ng pagkakalas ng inyong isip laban sa mga aral ng Iglesya Katolika na hindi naman ninyo lubos na nauunawaan at mga tungkuling hindi naman ninyo tinutupad. Kaya, magpakababang loob kayo at huwag ninyong sisihin ang mga pari sa inyong sariling kapabayaan at kamangmangan.

Tinutuligsa ninyo ang Santa Misa, ang Santo Rosario, ang iba pang gawang kabanalan. Dinadakila natin si Rizal at ang ating mga bayani. Lahat sila'y naniniwala at nagsasagawa ng mga bagay na ito. Lalapastanganin ninyo ang kanilang alaala kung ipagpapatuloy ninyo ang pagtuligsa sa kanilang paniniwala. Bilang mga mabubuting anak at masusunuring mamamayan, ang ating mga magulang at mga bayani ay sundin natin. Sino sa mga ministro ni G. Manalo ang naging bayani o napabantog sa kabanalan? Sa halip, ano ang ipinagagawa sa inyo? Pumintas, magpakapuyat sa pagpuna't pagtuligsa sa aral at gawang Katoliko. Gawang kristyano ba yan? Hindi ninyo batid na baka ang Santa Misa o Santo Rosario na inialay ng ating mga magulang ay siyang nakapagligtas sa atin sa panganib, tulad ng pagkakaligtas sa sanggol na si Rizal ng Birhen ng Antipolo. Ngayon, tayong nagpayaman sa "Iglesya," tayo pa ba ang maghuhulog


▬ PAHINA 50 ▬


sa impiyerno sa ating mga magulang, at mga bayani na bagaman salungat sa ilang patakaran ng Iglesya Katolika ay hindi naman tumiwalag dito?"

"Nananawagan ako sa inyo, sapagkat ako'y naging ministro ni G. Manalo sa loob ng may labing walong taon at natatalos ko ang puno't dulo ng 'Iglesya'. Ang layunin ko'y manumbalik kayo sa liwanag at katotohanan. Kung sa bagay, alam ko ring hindi kayo matitinag sa pamamagitan ng argumento sapagkat hindi naman kayo tatanggap ng paliwanag. Datapuwat, nagbabakasakali ako, kaya't naglalakip ako ng panalangin sa aking paliwanag at panawagan. Iniibig ko kayong lahat bagaman salungat ako sa mga aral at gawain ninyo na hindi maka-Kristiyano. Ganito rin naman sana ang maging pakikitungo ninyo sa akin. Wika nga, ibigin ang nagkakasala't nagkakamali, subal-it kapootan ang kasalanan at kamalian."

Sa mga Katoliko:

Kung tayo'y may suliranin sa pagpapagawa ng bahay, lumalapit tayo sa inhinyero o karpintero; kung sa batas, sa abogado; kung sakit sa katawan, sa manggagamot, kung sa damit, sa sastre o modista. Kung sa relihiyon o moral ang ating suliranin, makatuwirang sa pari o sa sinumang nag-aaral tungkol dito ang ating sangguniin.

Kaya, ang panawagan ko'y huwag kayong basta-basta maniniwala sa mga biglang sipot na mangangaral. Katawa-tawa ang labas ninyo kung sa isang barbero, empleado sa opisina, musikero, kutsero o sastre kayo pahahatol tungkol sa bagay ng relihiyon at moral. At kung ipinandangalan naman ninyo ang inyong pagka-Katoliko, hindi kayo ang unang sisira sa inyong pananampalataya. Kadalasan marami sa atin ang pintas lamang ng pintas datapuwat wala naman tayong magawang mabuti sa ating sarili at sa kapuwa. Kaya, ang payo ko ay tumupad kayo sa inyong pagka-Katoliko. Kung may alinlangan kayo, sa Pari o sa sinumang nag-aral na Katoliko kayo magsangguni.


▬ PAHINA 51 ▬


Inaasahan kong kayo na mga Katoliko ang magiging halimbawa ko, sapagkat ako'y ngayo'y lamang naliwanagan. Sama-sama tayong mag-aral ng ating pananampalataya, at huwag tayong magpabaya sa ating tungkulin. Alalahanin nating ang mga "Iglesya" ni Manalo at ibang sekta ay nakaaakit lamang doon sa mga Katolikong wala nang muwang ay hindi pa tumutupad ng tungkulin - kahit ng pagsisimba man lamang kung linggo.

Mahalin natin ang ating pananampalataya, sapagkat lilipas ang dunong, ang ganda, ang yaman, tayo na rin ay mamamatay. Ang pananampalataya lamang natin ang makapaghahatid sa atin sa wastong pamumuhay at magandang kamatayan.

Pagpalain nawa tayong lagi ng PANGINOON at ng MAHAL NA BIRHEN!


▬ PAHINA 52 ▬


KAISAHAN NG MGA KRISTIYANO

Kuru-kuro Tungkol Sa

Isang Babasahing Protestante

May isang munting aklat na ipinamumudmod ang mga Protestante (Bethany Baptist Church), at sinasamantala pa nila ang karamihan ng mga Katoliko sa mga pagtitipon tulad ng Todos Los Santos sa sementeryo at Independence Day sa Luneta. Ang pabalat ng babasahing ito ay may larawan ng Papa Pio XI at may pamagat na "The Roman Catholic Bible Has the Answer."

Ang pabalat ay pantawag pansin lamang, sapagkat ang tunay na layunin ay akitin ang mga Katoliko para bumasa at nang matutuhan ang aral ng Protestante. Pambihirang panlilinlang ito, sapagkat maaari bang gumawa ng aklat o magpalimbag ng bibilya ang mga Katoliko na sasalungat din sa kanilang aral at gawain? Samakatuwid, tama ang nasa bibilya; mali at mapanlinlang ang pakahulugan ng mga Protestante.

Datapuwa't ako'y may nabasang isang munting aklat (ang magbasa ng mga aklat na hindi sa Katoliko ay laban sa batas ng Simbahan, maliban na lamang kung may pahintulot) na ginawa ng mga Protestante, at ito'y tumatalakay sa malaking suliranin ng kaisahan ng mga Kristiyano na siyang buod ng kauna-unahang palibot sulat na pandaigdig ng kasalukuyang Papa Juan XXIII.

Sinabi ng aklat na ito na ang mga Sabadista raw at ang mga Saksi ni Jehovah ay hindi tunay na mga Kristiyano. Idinagdag pa na ang mga nasa "Iglesya ni Cristo" ni G. Felix Manalo ay hindi rin maituturing na Kristiyano sapagkat ang tunay na mga Kristiyano, ayon sa likas na kahulugan ng salita, ay naniniwala sa pagka-Diyos ni Cristo. Dumako tayo sa katanungan ng mga Protestante.


▬ PAHINA 53 ▬


Bakit kaya tayong mga Kristiyano ay hindi magkabuklod-buklod sa iisang aral at gawain ng pananampalataya, gayong lahat tayo'y nagsusumikap tumulad kay Hesukristong Panginoon?

Ang katanungang ito'y binanggit sa isang pag-aaral na inilathala ng "Philippine Federation of Christian Churches", isang kalipunan ng mga Protestante sa Pilipinas. Ang lathalaing nabanggit ay may pamagat na "Origins and Beliefs of Other Sects" (Mga Pinagmulan at Paniniwala ng Ibang Sekta).

Ang mga dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Kristiyano ay buong liwanag na inamin ng nasabing mga Protestante. Narito ang ilang dahilan ng di-pagkakaisa: mga kilusan ukol sa pagbabago ng ginagawi't inaasal ng mga ministro ng relihiyon, ang paghiwalay ng ilang tao dahil sa pagkakaroon, anila, ng pangarap at tanda na sila'y sinugo ng Diyos, at bilang bunga nito, ang labis na paghahangad ng karangalan at kapangyarihan, di-pagkakaunawaan na humahantong sa pag-aaway. Idinaragdag ko na ang pangunahing dahilan ng pagka-kahiwalay at di-pagkakaisa ng mga Kristiyano ay ang walang paggalang sa Bibliya na dito'y kahit sino na lamang ay malayang nagbibigay ng kahulugan.

"Ang tanging lunas ay ang tapat na pag-aalay ng sarili kay Kristo at sa kanyang batas ng pag-ibig... Sa pakikitungo natin sa mga pulutong na nakikipagtalo, papayag tayong sumalungat datapuwa't mangangako naman tayong umibig." Magandang pakinggan ang lunas na iminungkahi ng lathalaing Protestante. Datapuwa't, ito kaya'y sapat na sa ikapagkakaisa ng mga Kristiyano? Hindi kaya ang lunas na ito'y upang maiwasan lamang ang pagtutunggali o pag-aaway? Paano naman kaya makakamtan ang pagkakaisa kung pananatilihin din ang pagkakasalungatan ng mga aral at gawain sa pananampalataya? Hindi kaya higit na mabuti kung ang mga aral ng mga sekta sa ngayon ay panumbalikin sa aral ng sangka-kristianuhan bago dumating si Martin Lutero?


▬ PAHINA 54 ▬


Sapagkat, ang isang libong sektang itinatag lamang ng mga tao, pagsama-samahin man, ay hindi makakatumbas ng relihiyong itinatag ng Diyos. Isang laksang tao ay hindi maaaring maging Diyos. Ang isang libong kasinungalingan katumbas kaya ito ng isang katotohanan? Walang tunay na mabisang lunas sa di-pagkakaisa ng mga Kristiyano kundi ang pagbabalik sa relihiyong kinilalang siyang tunay na itinatag ng Diyos, na pinanggalingan naman ng napakaraming sektang nagkalat ngayon.

Mabuti rin ang payo ng kalipunan ng mga Protestante, na "isang tungkulin ng bawat Kristiyano ang maging maingat sa kanyang pamumuhay at itindig ang dangal ng mga samahang kanyang kinabibilangan."

Ang maisususog sa matuwid na mga payong ito ay isang katanungan. Paano naman ang suliranin ukol sa katotohanan? May mga tao, halimbawa, na nagalit sa mga pari o hindi nabigyan ang ilang pamamalakad ng simbahan. Kapagdaka'y tumiwalag sila o nagtatag ng bagong sekta. Nang dahil sa pansariling interes, tinalikuran nila ang relihiyong malaon na nilang pinaninindigang totoo at tatag ng Diyos. Hindi kaya sila katulad ng isang mamamayan na, sapagkat hindi nagustuhan ang asal o patakaran ng ilang puno sa pamahalaan, nagtatag ng sariling pamahalaan at gumawa ng sariling batas at aral? Kung ang isang tao ay nagtatag ng sariling relihiyon, ito'y hindi na sa Diyos, bagaman ang iniaaral ng taong ito'y tungkol sa Diyos.

Saksi ang kasaysayan, at ganyang-ganyan ang mga pangyayari, sa pagdami ng mga sekta. Wika na rin ng kalipunan ng mga Protestante, hindi tuloy magkaroon ng pagkakaisa ang mga Kristiyano dahil sa "paghahari" ng ilang taong nagkaroon, anila, ng pangarap at tanda na sila'y sinugo ng Diyos upang mangaral. At ang mga makabagong "propetang" ito, sa kanilang pangangaral, ay ituturing pang pangala-wa, kundi man kasinghalaga, ang kanilang buhay at mga sinulat sa buhay ni Kristo at sa Biblia.


▬ PAHINA 55 ▬


"Halimbawa ng mga pulutong na ito, dugtong pa ng mga Protestante, "ay matatagpuan sa mga tagasunod ni Felix Manalo... sa mga Mormons sa Estados Unidos na naniniwalang makalangit ang pangarap at sinulat ni John Smith, at sa mga Christian Scientists na nagtuturing na ang mga sulat ni Mary Baker Eddy ay kinasihan din tulad ng Biblia."

Bukod sa mga Manalista (salitang ginamit ng mga Protestante), ay may iba pang pulutong na lumitaw dito sa Pilipinas: CHURCH OF CHRIST (Iglesia ni Kristo) na pinamumunuan ni Leopoldo Echevar-ria sa may Fort McKinley, Rizal; IGLESIA EDIFICADA DE JESU-CRISTO (Iglesyang Itinatag ni Hesukristo) na pinamunuan ni Eulalio Dionisio ng Malabon, Rizal; IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE na natatag noong 1902 sa pamumuno ng dating paring Katoliko si Gregorio Aglipay (ang sektang ito'y nagkahati na ngayon); TRUE CHURCH OF CHRIST (Tunay na Iglesia ni Kristo kung tatagurian) na binuo ni Teofilo Ora, nanirahan sa Gapang, Nueva Ecija; GULONG NG BUHAY SA PANANAMPALATAYA SA DIYOS na itinatag ni Cirilo Yumol at pinamumunuan ng "manghuhulang" si Mariano Canseco Quiro sa Tejeros, Makati, Rizal; IGLESYA WATAWAT NG LAHI na noong Disyembre 1955 ay lumaban sa may kapangyarihan at sumira ng isang paaralang pambayan sa Gainza, Camarines Sur sa pangungulo ni Lorenzo San Juan, isang taong makalawang mabilanggo sa loob ng limang taon.

Ang isang mapagbasa ng kasaysayan, kung gayon, at may matuwid na kaalaman tungkol sa Biblia ay hindi gaanong magtataka sa paglitaw ng gayong mga "propeta." Noon pa mang unang siglo ay winika na ni San Juan sa kanyang unang sulat (2:18-19): "Marami na ang mga anti-Kristong nagsilitaw... sa atin sila nanggaling, ngunit sila'y hindi sa atin. Datapuwa't ito'y nangyari upang matawag na hindi lahat ay kakampi natin."


▬ PAHINA 56 ▬


Mabuti ang isang kilusan ukol sa ikaaayos ng kaasalan ng mga ministro ng relihiyon at ng di-wastong mga patakaran tungkol dito. Subalit kanais-nais pa kaya ang pagtalikod o paghihiwalay sa tunay na pananampalataya at pagbaluktot ng mga aral nito? Ang sabi nga ng kalipunan ng mga Protestante dito sa Pilipinas, "ang unang kilusang Protestante ay nagsimula hindi ukol sa aral, kundi ukol sa pagbabagong-asal (reformacion)." Ang kalungkot-lungkot nga lamang ay ang naging dulo ng kilusang yaon. Sa halip na reformacion, ang naganap ay deformacion. Nawasak ang gusali ng kakristiyanuhan.

Nagsitalikod ang marami sa tunay na relihiyon; dumami nang dumami ang mga sekta; at kung ilan ang mga ulo ay gayon din ang bilang ng mga sekta. Ito'y dahil sa walang patumanggang paghawak at pagbibigay kahulugan sa Biblia. Kahit karpintero, tsuper, barbero ay nagpapaliwanag sa Biblia, kahit hindi nag-aral ng relihiyon. Kaya nga't makabuluhang ulitin na ang tanging lunas upang magkaroon ng pagkakaisa ay ang pagbabalik na muli sa pananampalatayang kanilang tinalikuran.

Ang mga sekta sa ngayon ay katulad ng isang taong di-nagkagusto sa sambalilo o pagkakalagay ng sambalilo sa ulo ng kanyang ama. Sa halip na hilinging palitan ang sambalilo o ayusin ito, tumalikod siya sa kanyang ama, dili kaya'y ang ulo ng kanyang ama ang hinalinhan.

Ang masasabi ko bilang payo ng isang tunay na kapatid sa Kristiyanismo, tayo ay mag-ingat sa mga bagong litaw na manganga-ral. "Ipinamamanhik ko," wika ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga Taga-Roma (16:17,18) "na bantayan ninyo ang mga nagtatanim ng mga pagkakahati at ng katitisuran laban sa aral na inyong natutuhan at iwasan ninyo sila, sapagkat hindi sila naglilingkod kay Kristong Panginoon natin kundi sa kanilang sariling tiyan, at sa pamamagitan ng matatamis na salita at mainam na talumpati ay dinaraya ang mga puso ng walang malay."


▬ PAHINA 57 ▬


"At hindi dapat na ipagtaka," wika niya sa mga Taga-Korinto, "sapagkat si Satanas man ay nagpakunwaring anghel ng kaliwanagan."

Wika ni San Jeronimo na nagsalin at nag-ayos na una ng Biblia (sapagkat noon pa mang ika-apat na siglo ay marami na ang nagdudunung-dunungan sa Biblia kahit hindi sila nakapag-aral ng mataas-taas na karunungan): "Ang karunungan sa Biblia ay inaangkin ng balana: sila ang sumisira sa Biblia, sapagkat nagtuturo na ay hindi pa man natututo. Sapagkat may kaunting nabanggit sa Biblia, akala nila'y marunong na sila sa salita ng Diyos. Bakit nila ayaw munang pag-aralan kung ano ang itinuro ng mga apostoles at ng mga naunang mga marurunong, pantas at mga banal ng Santa Iglesia?"


▬ oOo ▬


Ginoong Igmidio Zabala na nalathala sa Pasugo. Si Igmidio Zabala ay isa sa mga pinakaunang ministro na personal na hinirang ni Felix Manalo, tagapagtatag ng Iglesia ni Cristo (INC). Siya ay may mataas na ranggo na ministeryal na tungkulin, partikular na aktibo sa rehiyon ng Luzon, noong mga taon ng pagbuo ng INC.



Mga Komento